Ipinanukala ang 2 libong buwanang sahod para sa mga nanay!



Ang mga ilaw ng tahanan ay isa sa pinaka-importanteng tao sa ating buhay. Kung kaya naman marami ang napangiti sa pagpapanukala ng dalawang libong buwanang sahod para sa nanay. Si Albay Representative Joel Sarte Salceda ang naghain ng House Bill 8875. Ang nilalaman ng panukalang ito ay ang pagbibigay ng sahod sa mga maybahay na nananatili lamang sa kanilang tahanan at nag-aalaga ng kanilang mga anak at asawa.


Noong Enero 2018 ito inihain at ayon sa panukalang ito na sa 12 milyong piso, mayroong 11.2 milyon na mga babae na itinuturing na walang trabaho dahil sa nasa tahanan lamang sila at nag-aalaga ng kaniyang pamilya at hindi rin sila sumusweldo.



Ang mga datos na nakalap ay nagsasaad ng mga impormasyon na 4.168 milyon ay mga maybahay na mayroong anak na wala pang 12 taon gulang, samantalang ang 1.790 milyon ang nakumpirmang hikahos sa buhay.

Ang panukalang ito ay naglalayong matulungan ang mga maybahay na nasa tahanan lamang nila na nag-aalaga ng mga anak nila na wala pang 12 taon. Buwanan silang makakatanggap ng dalawang libong piso buwan buwan upang makatulong sa kanila hanggang sila ay makaraos o kaya naman ay hanggang makalampas ng 12 taon ang edad ng kanilang mga anak. Sa ilalim ng panukalang ito ay ang DSWD o ang Department of Social Welfare and Development ang magbabalangkas at magpapatupad ng mga alintuntunin para sa mga benepisyaryo nito.


Ayon din kay Albay Representative Salceda na aabot sa 35 bilyon ang kakailanganing pondo sa programa, 32 bilyon dito ang para sa mga mayasawang maybahay habang 3 bilyong piso naman ang nakalaan para sa mga “single mothers”, balo o mga hiwalay na sa asawa.




error: Content is protected !!