Categories: Viral

Isang ama na itinigil ang kanyang paninigarilyo at naka-ipon ng pera para sa pamilya

Isang bisyo na matindi ang paninnigarilyo. Kung tutuusin nakakapag-taka kung bakit maraming gumagamit nito na wala namang mabuting naitutulong ito sa katawan. Ang masama pa ay pinagmumulan pa ito ng mga malalang sakit. Gayon pa man, marami pa ring gumagamit ng sigarilyo dahil ang katwiran ng iba ay naaliw sila at nagiginhawaan sa bawat paghithit ng usok nito.

Ang sigarilyo ay may mga kemikal na hahanap-hanapin ng katawan kapag nasubukan na ito ng marming beses. May mga kemikal ding katulad ng Tar na nakakasama naman sa baga ng tao. Lubos na napaka-hirap itigil ang paninigarilyo lalo na kung matagal na ang panahon na ginagawa ito. Ang iba ay nakakaranas ng pag-lagnat at iba naman ay naglalaway.

Pero ang mahirap na pagtigil sa paninigarilyo ay nagawa ng isang ama sa bansang Taiwan. Ang dahilan niya sa pagtigil sa paninigarilyo ay dahil ipapanganak na ang kanyang bunsong anak. Bukod sa mas masama ang makalanghap ng second-hand smoke, naging dahilan din ng lalaking ito na maging ihemplo para sa anak.

Kaya naman imbis na ipambili ng sigarilyo, ang ama na ito ay inipon niya ang pera. Sa mga litratong makikita, mapapansin ang kanyang mga naipong NT$50 na barya na umabot hanggang NT$60000. Malaking pera din ang naipon niya.

Ayon sa ama:
“I would save up all the money that I would otherwise use for buying cigarettes. Every time when the addiction kicks in, I would put away NT$50 (approx. RM6). Now, I habitually stash away NT$50 whenever I get them,”


Ipinasok niya sa kanyang isipan ang disiplinang kapag nakaramdam siya ng paghahanap ng sigarilyo, siya ay magtatabi ng halagang NT$50. Hindi lamang siya naka-ipon ng pera, na-ingatan niya rin ang kanyang kalusugan. Ayon sa ama ay balak niyang dalhin ang kanyang pamilya sa isang bakasyon na gamit ang perang naipon.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago