Isang dating balut vendor at tricycle driver, ngayon ay nagmamay-ari ng coffee shop sa Ireland



Sa hirap ng buhay ngayon, marami sa atin ay sumusubok ng kahit anong trabaho upang kumita. Ang iba naman ay todo kayod upang mabigay ang pangangailangan ng pamilya. Para naman sa mga mahihirap, mga trabahong pagtitinda ang kadalasan na pinagkaka-kitaan. Katulad na lamang ng pagtitinda ng taho, fishball, balut, atpb. Pero may narinig na ba kayong kwento kung saan ang isang nagtitinda ng balut ay nagbago ang buhay at nagmamay-ari na ngayon ng isang coffee shop sa ibang bansa?


Isang lalaki ang pumukaw sa puso ng maraming Pilipino dahil sa istorya ng kanyang tagumpay. Siya si Jeffrey Velasco ay dating tricycle driver sa umaga at nagtitinda naman ng balut tuwing gabi. Siya ay taga Tondo Manila at hindi mayaman ang pinang-galingang pamilya. Kahit na mahirap ang buhay, pinagsumikapan niyang umasenso para sa kanyang pamilya. Upang umasenso sa buhay, kinakailangan nating mangarap. At upang makamit ang pangarap kailangan itong pagsumikapan. Ganyan ang ginawa ni Jeffrey Velasco.




Sa kaalamang mahirap umasenso sa kanyang pagpapasada ng tricycle at pagtitnda ng balut, minabuti niyang maging isang OFW sa Taiwan. Siya ay nagtrabaho bilang isang electronic technician. Nang matapos ang kanyang kontrata siya ay bumalik sa pinas upang mag negosyo gamit ang perang naipon. Siya ay nagtayo ng Interner Cafe, Bilyaran, at Bar.


Taong 2006, ang mag-asawang Velasco ay lumipat na sa Ireland na ang asawa ni Jeffrey ay isang nurse. Ang paglipat nila sa Ireland ang naging dahilan upang mapasok niya ang trabaho bilang barista sa coffee shop.



Dahil sa kasipagan ni Jeffrey, siya ngayon ay nagmamay-ari ng coffee shop sa Ireland sa tulong ng dati niyang employer na inalok sa kanyang saluhin ang paluging coffee shop sa Cork City. Taong 2013, ay naging kilala na ang kanyang Coffee Shop at siya ay nagtagumpay. Ang pangalan ng kanyang coffee shop ay Cuppacity Coffee & Bagels na kilala na sa Cork City.




error: Content is protected !!