May posibilidad na magkasama sa isang pelikula sina Kathryn Bernardo at Alden Richards, KathDen na nga ba ito?



Naging matunog na usap-usapan sa social media ang tambalang AlDub sa mga nagdaang taon simula ng sila ay nabuo sa isang segment ng Eat Bulaga noong 2015. Ang AlDub ay mula sa segment ng Eat Bulaga na “Kalyeserye”. Talaga namang tinangkilik ang kanilang tambalan ng maraming mga Pilipino dito sa ating bansa at maging sa buong mundo. Marami ang pinakilig at pinasaya ng tambalang ito ni Maine Mendoza at Alden Richards na kapwa nabigyan ng break dahil sa nasabing palabas.



Nguni katulad din naman ng maraming mga tambalan, ito rin ay nagkaroon ng ilang mga problema ngunit nagkaroon din naman ng solusyon kalaunan. Naging usap-usapan din ang inilabas ni Maine Mendoza na open letter sa kaniyang personal blog noong Nobyembre 2017 kung saan diumano ay magkaibigan lamang sila ni Alden at mananatiling magkaibigan lamang.


Naglabas ng sama ng loob dito sa Maine dahil sa nararanasan nilang “pressure” lalo na ang mga salita at pambabanta na ibinabato sa kanila at sa kanilang pamilya ng ilan sa kanilang mga supporters at fans. Ngunit kahit pa natuldukan na ang kanilang tambalan sa harap ng kamera ay nanatili pa rin silang magkaibigan at magkatrabaho. Kamakailan din naman ay napabalita ang pag-amin nila sa totoong relasyon niya kay Arjo Atayde. At ngayon nga ay naging maugong din ang usap-usapan sa posibleng tambalan nina Alden Richards at Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.


Diumano ay magkakaroon ng immersion sa HongKong si Kathyn Bernardo para sa Star Cinema film na ididirek ni Cathy Garcia-Molina. Dahil nasa casting stage pa lamang ang pelikulang ito ay talaga namang maingat ang mga staff sa pagbibigay ng mga impormasyon. Sa susunod na buwan ang pagsisimula ng shooting at Mayo diumano ito tinatarget na ipalabas.






error: Content is protected !!