Nasisante ang Flight Attendant dahil sa pag-propose ng kanyang boyfriend sa gitna ng biyahe!



Marami na tayong nakikita na mga wedding proposals at ang ilan dito ay kinagigiliwan. Hindi biro ang pag-iisip ng paraan upang maging memorable at romantiko ang kaganapang ito. Kaya ang mga lalaki ay sobrang iniisipan ng magandang proposal na naiiba na sa mga madalas na makita. Pero sa totoo lang, kahit saan pa mang lugar iyan at pagkakataon, ang mahalaga ay alam mong sasagutin ka ng matamis niyang “oo”.



Ang makuha mo ang matamis niyang “oo” ang tanging layunin mo sa pag-iisip ng magandang wedding proposal. Pero may mga ilan ding mga nabibigo at marahil ay napapahiya kapag hindi sila nasagot ng babae. May isang pangyayaring naganap kung saan ay may isang lalaking nag-propose ng kanyang pagmamahal sa kanyang nobyang Flight Attendant. Pero nang naging viral ang proposal na ito at nalaman ng mga namumuno ng Airlines, sinisante nila ang Flight Attendant. Ang Flight Attendant na babae ay nagtatrabaho sa China Eastern Airlines. Hindi na binanggit ang pangalan ng Flight Attendant upang magkaroon ng proteksyon ang kanyang pagkaka-kilanlan.


Naganap ang proposal ng sila ay nasa kala-gitnaan ng biyaheng lumilipad. Itinanong ng nobyo ang kanyang alok na kasal sa Flight Attendant at sumagot naman ang nobya ng oo. Talaga namang tuwang-tuwa ang mga pasahero sa nasaksihan nilang pangyayaring proposal. Lalong lalo na noong sinagot na ng Flight Attendant ang kanyang nobyo ng oo. Bibihira lang ang mga ganitong kaganapan na nangyayari kaya naman ito ay naging viral sa social media.


Ito ang sinabi ng Flight Attendant sa nangyaring proposal:
“I really didn’t know my boyfriend would be proposing to me on this flight. Thanks for being my witnesses,”

Ang hindi lang magandang nangyari ay nasisante siya sa trabaho dahil sa naganap na proposal. Ayon sa mga opisyales ng Airlines, ang naganap ay naging sanhi ng pagkaka-gulo ng mga pasahero, ang proposal din ang naging dahilan upang mawala ang pagtutok ng Flight Attendant sa mga pasahero. Ayon pa sa mga opisyales, ang kapabayaan ay isang kasalanan na hindi mapapatawad.



Marami ang nalungkot sa nangyari sa Flight Attendant. Ang iba ay nagsabi ng kanilang saloobin sa social media. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ng Flight Attendant? Ano ang pipiliin mo, ang proposal o ang trabaho mo?




error: Content is protected !!