Ito ang magandang bahay ni Anne Curtis



Halos lahat tayo ay nangangarap na magkaroon ng maganda at sariling bahay. Hindi lamang ito pangarap ng mga mag-aasawa pati narin ng mga simpleng indibidwal na tao. Tayo ay nagiisip at nagpa-plano kung paano makaka-ipon ng pera upang maka-bili ng bahay. Ang ibang mga tao ay dinadaan ito sa housing loan at ang iba naman ay sadyang malaki ang naiipon at nakaka-bili kaagad. Mahalaga sa pagkakaroon ng bahay dahil sadyang mahirap mangupahan. Lalong-lalo na sa panahon ngayon, sadyang napaka-hirap maghanap ng maayos at murang mare-rentahan.


Sa pagkakaroon ng sariling bahay, ang mga disenyong pinipili ay ayon mismo sa mga nagpa-gawa nito. Pero minsan ang iba naman ay bumibili na rin ng mga bahay na gawa na para iwas aberya sa pagpapa-gawa. Ano pa man ang klase na bahay na tinitirahan, ang mahalaga ay masayang naninirahan ang mga tao dito. Kaya naman tignan natin ang isang bahay ng isang sikat na artista sa kanyang bahay na mala-American Style ang pagkaka-gawa. Ito na din marahil ang bunga ng pagsisikap ng artistang ito.




Si Anne Curtis ay isang sikat na artista at TV host ng isang sikat na sikat na noontime show na “Showtime”. Maraming tao ang lubos na humahanga sa kanya dahil sa kagalingan niya sa pag-arte at sa mga pagpapatawa niya. Maaalalang kinasal si Anne kay Erwan Heussaff, na isang half-pinoy at half-french, noong Nobyembre 2017. Ito ay ginanap sa Queenstown, New Zealand sa isang simple pero memorableng okasyon.



Dahil may kakayahan silang makabili ng magandang bahay, sila ay naka-bili ng property sa Southern Manila. Kung saan ay nagpatayo sila ng bahay na mala-American Style ang datingan. Kilalang mga interior designer ang nagpaganda ng kanilang bahay. Ang mga designer ay sila Ivy at Cynthia Almario. At kung makikita ang loob at labas ng bahay, ay siguradong mabibighani ka sa kagandahan ng pagkaka-gawa.





Kung mapapansin ang panlabas na itsura ng bahay, aakalain mong parang bahay sa Amerika na kulay puti ang kulay at may mga kahoy na bakod. Sa sala naman ay kulay Cream ang kulay at mapapagmasdang elegante. Ang panloob na itsura ng bahay ay nakaka-mangha dahil sa magandang kombinasyon ng mga kulay. Kulay cream ang nangingibabaw na kulay. Ang bahay nila Anne Curtis ay sadyang maganda at siguradong masaya ang mag-asawa na naninirahan dito. Kahit gaano pa kaliit o kalaki ang bahay, maganda man o hindi, ang mahalaga ay puno ng pagmamahalan ang bahay na tinitirahan.




error: Content is protected !!