Nagulantang ang marami sa kagandahan ng babaeng ito na 50 taong gulang na pala!



Sa panahon ngayon marami na ang naglipanang mga “age-defying” na produkto sa mga pamilihan, maging ito man ay para sa ating mga balat o kaya naman ay food supplement ay talaga namang napakarami mong mapagpipilian.



Ngunit gaano mang pagpapahid ang iyong gawin sa iyong mukha ay di mo maiaalis at maiiwasan pa ang katotohanan na ang mga tao ay umeedad sa pagdaan ng panahon kasabay ng pagbabago ng kanilang pisikal na kaanyuan. Ngunit tila mayroong mga tao na labis na pinagpala dahil sa tila hindi nila pagtanda!


Gaya na lamang ng dentistang ito mula sa Korea na naging usap-usapan ng marami dahil sa pag-amin nito na siya ay 50 taong gulang na! Si Lee Su Jin ay kasalukuyang isang direktor sa dental clinic. 25 taon na siyang nagpapractice ng “dentistry” matapos niyang magtapos sa Seoul National University. Dahil sa kaakit-akit niyang mukha ay naitampok na rin siya sa mga programa tulad ng Same Bed, Different Dreams na naglalayong magresolba ng mga “parental relationship” para sa mga pamilya.



Kahit pa mismo sila ng kaniyang anak ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan noon, ay naresolba din naman nila ito sa nasabing TV show. Gayundin naman ay ninais ng mga manunuod na malaman ang sikreto niya pagdating sa pagpapaganda. At ibinahagi nga niya na ang kaniyang sikreto sa kaniyang mala-diyosang kagandahan ay ang masustansiyang dyeta, ehersisyo at ang kaniyang “great genes”.



Sino nga namang mag-aakala na siya ay magkakaroon ng ganitong “genes” na talaga namang mamangha ka dahil sa ang edad niyang 50 ay halos mukhang 25 taong gulang lamang! Tiyak na marami ang naiinggit sa angkin niyang kagandahan lalo na sa mala-porselana niyang kutis na tila hindi naman tumatanda sa paglipas ng panahon!




error: Content is protected !!