Nakakamangha ang naging resulta sa tuluyang pagbabawal ng mobile games sa paaralang ito!



Tunay ngang malaki na ang naging epekto sa atin ng modernong teknolohiya gayun din naman ang mga makabagong gadgets sa ngayon. Marami sa atin ang hindi na nakakatiis na hindi mahawakan ang kanilang mga cellphone sa loob ng isang araw o kaya naman ay ang pagchecheck ng ating mga social media accounts.



Tila ba ito ay naging parte na ng pang-araw-araw nating mga buhay. Marami mang mga magagandang dulot ang mga ito sa ating pamumuhay ay tila may mga negatibo din itong dulot. Kung mga magulang ang ating tatanungin tiyak na ang una nilang isasagot ay ang pagkaadik ng maraming mga kabataan sa paglalaro ng mga online games.



Dumadating ang mga pagkakataong mas napaglalaanan na ng oras at panahon ng mga kabataan ang mga ganitonng uri ng laro kaysa sa pag-aaral ng leksyon, o kaya naman ay paggawa ng mga takdang-aralin.


Kung kaya naman kamakailan lamang ay tuluyan nang ipinagbawal ang paglalaro ng anumang uri ng mobile game sa isang paaralan na ito. At talaga namang nagkaroon ito ng positibong resulta at mas naging produktibo pa ang maraming mga estudyante.

Ang ilan sa mga mag-aaral ay nagkaroon na ng mas maraming oras para makipag-usap at makipagkwentuhan sa kanilang mga kaibigan at kamag-aral. Habang ang ilan naman ay nagdidilig ng mga halaman. Mayroon din namang mga mag-aaral na naglalaro ng piko o kaya naman ay iba pang larong Pinoy.

Marami ding mga netizen ang nagalak at natuwa sa mga mag-aaral na ito dahil sa mas nabibigyan na nila ng panahon ang kanilang kapwa, ang kanilang kapaligiran at lalong-lalo na ang kanilang mga sarili . Ang mga larawan ng mga mag-aaral na ito ay ibinahagi ng netizen na si Joshua Caleb Hocson na mayroon nang pitong libong reaskyon sa kasalukuyan at higit sa 24 na libong shares.




error: Content is protected !!