Nobyo ng contestant sa Wowowin, nakakapagtakang iba ang naitawag na pangalan sa kaniyang kasintahan!



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang episode na ito ng programang Wowowin kung saan isang nobyo ang tila nakalimutan ang pangalan ng kaniyang kasintahan at ang malala pa dito ay pangalan ng nobya ng kanilang kapit-bahay ang kaniyang nabanggit!



Ang nasabing episode ay umere noong March 6, 2019. Isa sa mga segment ng Wowowin ang “Willie of Fortune” kung saan ang mga contestant ay mayroong kasamang kahit isa na mahal sa buhay. Ngunit nabigla ang lahat maging ang host nito na si Willie Revillame ng ang nobyo ng isang contestant ay natawag siya sa maling pangalan.


Nang tawagan ng nobyo na si Moy ang kaniyang kasintahan nang dalawang taon na si Cris ay bigla na lamang Michelle ang nasambit niyang pangalan. At nang hingian nga siya ng paliwanag ni Wil ay sinabi ni Moy na nagkamali lamang siya. Ang Michelle na kaniyang tinawag ay asawa pala ng kapit-bahay nilang si Dante.


Nabigla man ay agad namang pinagsabihan ni Wil ang nobyo na sa dalawang taon niyang karelasyon ang kaniyang nobya bakit naman kung kailan na mapapanuod sila sa nasyonal na telebisyon ay saka pa niya ito tatawagin sa ibang pangalan, at pangalan pa ng kanilang kapit-bahay na babae. Hindi naman nagalit ang kasintahan niyang si Cris at nagbigayan pa sila ng mensahe sa isa’t-isa.



Maaaring sa ibang nagkarelasyon ito ay simula ng away o hindi pagkakaunawaan. Ngunit sina Moy at Cris ay patuloy pa ring sumuporta sa isa’t-isa at hindi nakalimot na ipaalala sa bawat isa kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa. Maaari ngang nagkamali lamang si Moy at nalito lamang dahil sa kaba na kaniyang nararamdaman dahil sa pagpunta sa nasabing programa.






error: Content is protected !!