Asawa ni Beauty Gonzales, madalas na napapagkamalan na ama ng mga nakakakita sa kanila!



Ang pag-ibig ay walang pinipiling edad, itsura, estado ng buhay, at lahi. Basta tumibok ang dalawang pusong nagmamahalan, wala ng makaka-pigil dito. Katulad na lamang ng isang kilalang Kapamilya na aktres na si Beauty Gonzales na ipinakita sa buong mundo na siya ay umibig sa isang lalaking malayo ang agwat ng kanilang edad.


Ang maswerteng lalaki na nagpatibok ng puso ni Beauty Gonzales ay si Norman Crisologo na isang art curator. Magpapatunay na walang pinipiling edad sa pagmamahalan. Taong 2015 ay nabalitaang nawala sa set si Beauty Gonzales sa teleseryeng “Ningning”. Sa panahong ito ay nabuntis at nagpakasal sila ni Norman Crisologo.




Marami ang nagulat sa biglaang pagpapakasal nilang dalawa at sa layo ng agwat ng edad ng kanyang asawa. Pero kahit ano pa mang sabihin ng ibang tao ay pag-iibigan pa rin nila ang magwawagi. Madalas ding mapagkamalang mag-ama ang dalawa kung sila ay mamamasyal at makikita sa publiko.


Ayon kay Beauty Gonzales:
“Maraming na-shock. Bakit daw masyadong malaki yung agwat namin. ‘He’s too old for me.” 15 na taon ang agwat ng mag-asawa. Pero nakakatulong naman daw ito upang matutunan nila ang maraming bagay dahil sa agwat ng edad.


Ito ang sinabi ni Beauty sa isang interview:
“One time we went to this camera shop in Makati. And then we were looking at this camera, and then the salesman was trying to sell it to us, so he was giving us a demo. So he was saying, ‘Oh ganito ho ma’am, ganito, ganyan. Eto. Teka, picture-an natin si daddy. Oh, daddy! Daddy! Smile, daddy!’ They were looking at me, so smile naman ako, syempre wala akong magawa. But, you know, we just had a good laugh.”


Maraming mga kababaihan ngayon ang may kagustuhang mature ang kanilang mapapangasawa. Mas gusto kasi nila na sila ay naaalagaan at napo-protektahan. Marahil ito kaya ang naging dahilan kung bakit si Norman ang pinili ni Beauty?





error: Content is protected !!