Isa si Zia Dantes sa pinaka-magandang anak ng mga Asian Celebrites ayon sa isang Vietnamese website

Isa sa mga sinusubaybayan ng mga tao ay ang mga nagiging anak ng mga hinahangaang mga artista. Isa na dito ang sikat na Kapuso Celebrity Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.


Hindi maitatanggi ang taglay na pagka-perpektong itsura nilang dalawa. Kaya naman marami ang nag-aabang sa paglaki ng kanilang anak na si Zia. Ang tatlong taong gulang na anak nila Dingdong at Marian ay nagiging superstar na rin ngayon sa Social media. Bata pa lamang ay inuulan na ng mga likers at followers ang kanyang mga social media accounts.


Tunay na masasabing “kung ano ang puno ay siya ring bunga”. Talagang minana ni Zia ang angking kagandahan ng kanyang ina na may Spanish na lahi at kasama na rin ang kagwapuhan ng kanyang ama.


Kaya naman hindi na mapipigilan ang pagsikat ng batang ito na pati sa ibang bansa ay nakikilala na rin. Isang Vietnamese Website na ang pangalan ay VỀ TRANG CHỦ ay isinama si Zia Dantes bilang isa sa ‘Most Beautiful Kids’ ng mga Asian Celebrities.


Ang website na ito ay sikat sa bansang vietnam na ang mga makikita dito ay ang mga trending para sa mga kabataan at listahan ng mga interesadong mga bagay katulad na lamang ng ‘Most Beautiful Kids’ ng mga Asian Celebrities.


Ayon sa VỀ TRANG CHỦ:
“The daughter of Marian Rivera and Dingdong Dantes. The power couple Marian Rivera and Dingdong Dantes’s firstborn daughter Zia made waves on social media for her beauty. Marian is half Spanish and half Filipino. While Dingdong is Filipino. They are both known for their gorgeousness so it’s no surprise their daughter is such a beautiful baby,”

“Zia’s face is extremely perfect. This little angel is expected to follow the footsteps of her parents. And become the beauty icon of the Philippines showbiz in the future,”


Hindi na rin tayo magtataka kung balang araw ay magiging isang sikat na artista rin si Zia Dantes katulad na lamang ng kanyang mga magulang. Bukod pa kay Zia na magiging ate na, aabangan din natin ang pangalawang anak na lalaki nila Dingdong at Marian.



error: Content is protected !!