Isang 96-taong gulang na babae ang nagbenta ng kaniyang tahanan na tinirhan niya sa loob ng 72 years, labis kang magugulat sa madidiskubre mo dito!

Isang matandang babae ang nagbenta ng kaniyang tahanan na 72 taon niyang tinirhan! At talaga namang nagulat ang bumili ng makita ang loob nito!


Ang matandang babae na ito ay mula sa Toronto at talaga namang mamahalin mo ang kamangha-manghang ayos at disenyo ng kaniyang tahanan na halos lahat ay mula pa noong 1950’s.


Ang maganda at puro kulay-rosas na bahay na ito ay napanatiling maganda, maayos at maaliwalas ng may-ari sa loob ng 72 taon na ngayon ay lilipat na sa “retirement community”.


Ang dating may-ari pala ng bahay na ngayon ay 96-taong gulang na ay isang mananahi. Hindi na nakakapagtaka na magkaroon siya ng napakagandang tahanan. Pangarap din niya noon na maging isang interior designer kung kaya naman kitang-kita sa bawat detalye ng kaniyang tahanan ang patunay.


Ang naturang bahay ay mayroong tatlong palapag at dalawang banyo. Ang tahanan ay mayroong tema noon pang 1950-1960. Sino nga naman ang hindi maiingganya na umuwi sa ganitong tahanan? Maaaliwalas na, malinis, maganda at kaakit-akit pang talaga! Tunay ngang higit pa sa kapahingaan ang iyong mararanasan sa pagpasok pa lamang sa pintuan ng tahanang ito.


Hindi lahat ng tao ay biniyayaan ng kakayahan at talentong makagawa o makapagdisenyo ng ganitong uri ng tahanan. At talaga namang kahit hindi siya propesyonal sa larangan na ito, ang kaniyang puso, malawak at malikhain na kaisipan ang naging inspirasyon niya.

Kamangha-mangha, ‘di ba? Kung ikaw ay bibigyan din ng pagkakataong maiayos at mapaganda ang iyong tahanan, anong disenyo, kulay o itsura kaya ang iyong nanaisin? Talaga namang tahanan ang isa sa pinakamahalagang pagmamay-ari ng isang indibidwal.



Reply