Isang anim na taong gulang na bata ang tinanghal na “Most Beautiful Girl in the World”!



Kilalanin natin ang anim na taong gulang na batang ito na dahil sa kaniyang magandang mukha ay tinanghal na “Most Beautiful Girl in the World”.



Dahil sa mala-anghel niyang mukha, asul na mga mata at mala-manika itsura. Isang anim na taong gulang na Russian girl ang tinanghal na pinakamagandang bata sa buong mundo. Siya ang sumusunod sa yapak ng 16 na taong gulang na ngayon na French model na si Thylane Blondeau na dati na ring tinanghal na parehong titulo na nakamit ni Anastasia Knyazeva



Dahil sa kagandahang taglay ni Anastasia ay mayroon na siyang maraming mga tagahanga at tagasuporta sa social media. Sa katunayan ay isa na siyang matagumpay na modelo na naitampok na sa ilang mga kampanya tulad ng Russian brand na Chobi Kids.



Hulyo 2015 nang si Anna ay apat na taon pa lamang at magsisimula pa lamang siya sa pagmomodelo ay madalas nang nagbabahagi ng mga larawan nang bata sa social media maging ang ilan sa mga behind the scene snapshots nito. Tunay ngang hindi magkamayaw ang maraming mga netizen sa pagkokomento sa bawat larawan ni Anna.


Sa murang edad ay nagmodelo na rin siya sa ilang mga sikat na Russian brand tulad na lamang ng Amoreco at Kisabano. Taong 2016 naman nang siya ay tanghalin na “Little Miss Aoki” isang luxury couture wear.




Sa kasalukuyan ay mayroon nang higit sa 500,000 na followers sa Instagram si Anna na hinahawakan ng kaniyang ina. Bukod sa paghanga at pagsuporta ay mayroon ding negatibong komento patungkol sa pagpapahintulot ng ina ni Anna na siya ay magmodelo sa murang edad at magsuot ng mga make-up na maaaring makasama sa kaniyang mukha at balat.




error: Content is protected !!