Kamangha-mangha ang babae na ito sa pagtitiklop at pagtutupi ng mga damit na parang isang propesyonal!

Talaga namang mamangha ka sa babaeng ito dahil sa husay at galing niyang magtiklop at magtupi ng mga damit!


Madalas tayong sinasabihan ng ating mga magulang lalo na ng ating mga ina na ayusing mabuti ang ating mga gamit at ilagay ang mga ito sa tamang lalagyan. Ang ilan sa mga ito ay ang pagtutupi ng ating mga damit, pag-aayos ng mga gamit tulad ng libro, sapatos at iba pang personal na gamit.


Kung maraming mga tao ang nadadalian sa pag-aayos ng mga gamit ay mayroon din namang mga tao na nahihirapan dito lalo na kung napakaraming mga damit at gamit na aayusin na tila hindi na magkasya sa mga damitan at lalagyan. Maging sa mga magbabakasyon ay napakalaking hamon din naman ang pagaayos ng mga gamit na dadalhin at kung paano ito pagkakasyahin sa mga maleta o kaya naman ay sa mga bag na bibitbitin.


Ang babaeng ito ay talaga namang nakakamangha sa husay at galing niya sa pagtutupi at pagtitiklop ng mga damit. Sa isang Facebook page na “Shanghaiist”, isang video ng babae na nagtitiklop at nagtutupi ng mga damit ang kinabiliban ng maraming mga netizen. Sa nasabing viral video makikita ang tila napakadaling paraan ng pagtutupi at pagtitiklop ng mga damit na talaga namang nakakatipid ng espasyo.

Folding like a boss.

Posted by Shanghaiist on Friday, September 29, 2017

Mga maong, tshirt, leather jackets, bed comforters at kahit ano pang damit ay kayang kaya niyang tupuin nang walang kahirap-hirap! Ang kaniyang husay sa pagtutupi ng mga damit ay talaga namang kabibiliban mo. Tunay ngang ang pag-aayos ng ganitong mga gamit ay mas madali na ngayon ang kailangan mo lamang ay pag-eensayo.



Reply

error: Content is protected !!