Nagtanim ang mister na ito ng 6,000 na mga puno para sa pumanaw na asawa, makalipas ang 15 taon ay kamangha-mangha ang naging resulta!

Sabi nila madali daw ang magmahal ngunit ang manatiling nagmamahal sa mahabang panahon ay isang hamon sa nakararami. Ngunit iba ang paniniwala ni Winston Howe tungkol dito dahil walang problema sa kaniya ang lahat ng makilala niya si Janet ang babaeng pinakamamahal niya.


Pag-ibig sa unang pagkikita ang naranasan ni Winston at Janet. Naging magkasintahan sila at ikinasal din naman noong 1962. Sila ay nanirahan sa 112 ektarya ng lupa matapos nilang mag-isang dibdib. Isa itong sakahan sa Wickwar, Gloucestershire kung saan nila palalakihin at itataguyod ang kanilang anak.

Kahit maraming taon na ang nakalipas ay hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal nu Winston sa kaniyang kabiyak. Marami ding mga tao ang humahanga sa kanila at nagtatanong kung paano nila napapanatili ang alab ng kanilang pagmamahalan. Lubos silang hinahangaan sa kanilang pamayanan dahil sa kanilang wagas na pagmamahalan na talaga namang hindi niluluma ng panahon. Nanatili silang masaya at perpektong mag-asawa.


Ngunit matapos lamang ang 33 taon nilang pagsasama ay pumanaw na ang asawa ni Winston na si Janet. Dahil sa kalungkutan ay hindi na niya alam ang gagawin. Nangako sila na mamahalin nila ang isa’t-isa ngunit nauna nang namaalam ang kaniyang kabiyak.


Hindi rin nagtagal at nakaisip siya ng paraan upang mapawi ang kaniyang kalungkutan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga “oak trees” sa malapit sa kanilang tahanan. Ilang buwan din siyang nagsumikap hanggang siya ay makapagtanim ng 6,000 na mga puno na tila isang gubat na ng mga “oak trees” kung tutuusin. Talaga namang namangha ang marami sa nasaksihan nila matapos ang 17 taon dahil sa ang mga puno na kaniyang itinanim ay may hugis-puso pa lang espasyo sa kalagitnaan ng gubat o man-made forest. Ito ay nadiskubre ni Andy Collett habang siya ay lulan ng isang hot air balloon. Ang nasabing hugis-puso pala ay nakaturo sa tahanan ni Janet noong siya ay bata pa lamang. Nakakamangha ang pagmamahal ni Winston sa kaniyang asawa kahit wala na ito, hindi ba?



Reply

error: Content is protected !!