Sila ang mga kilalang personalidad na sa kabila ng kasikatan ay may simpleng buhay



Ang kasikatan o katanyagan ay isang biyayang maituturing. Kapag kilala kang artista, malamang ay marami kang mga proyekto at maraming siyempreng kita. Kung ikaw naman ay isang sikat na musikero o mang-aawit, dahil sa maraming pagtatanghal nagiging marami din ang kinikita.

Madalas maisip na ang mga nakikilala nating sikat na mga personalidad ay namumuhay sa karangyaan. Sa kinikita kasi nila ay di mo maiisip na makuha nilang magtipid. Pero siyempre ang kasikatan ay hindi permanenteng posisyon. Dadating at dadating sa panahon na mawawala ito.



Sila ang ilan sa mga kilalang mga personalidad na namumuhay ng payak at walang ka-artehan:

1. Kitchie Nadal


Nakilala natin si Kitchie Nadal na isang magaling na mang-aawit na nagpasikat ng mga kantang ‘Same Ground’ at ‘Wag na wag mong sasabihin’. Ang mga kanta niya ay naging sikat sa lahat ng pinoy at talagang naaalala ng mga tao. Pero kahit na sikat si Kitchie, ipinag-malaki niya ang kanyang wedding dress na may halagang 799 pesos lamang. Ito ay naging isang report sa 24 Oras. Ang kanyang kasal ay naganap noong Pebrero 26, 2015 na dinaluhan lamang ng kanyang mga kamag-anak at mga malalapit niyang kaibigan.



2. John Llyod and Ellen Adarna



Isa sa pinaka-magaling na aktor si John Lloyd ang nabalitaan dati na sumasakay lamang sa Jeep. Ang pangyayaring ito ay nakita noong Oktubre 9, 2018 sa UP ikot. Ngayon ay nakita naman silang sabay na namimili sa isang grocery store kasama ang kanyang pinaka-mamahal na si Ellen Adarna. Marami sa mga mayayaman ang nagpapabili na lang, pero sila mas gusto nilang sila mismo ang pumili ng bibilhin.



3. Ryan Agoncillo


Kilalang TV Host si Ryan Agoncillo sa isang napaka-tagal noontime show na ‘Eat Bulaga’. At siyempre, mas kilala din natin ang asawa niya na si Judy Ann. Kahit na abala bilang artista at haligi ng tahanan, kapag may mga sira sa kanilang bahay, siya mismo ang gumagawa nito at sa tulong din ng kanyang ama na nagiging bonding din nila.

4. Maine Mendoza


Nakilala natin si Maine Mendoza sa pagiging ‘Yaya Dub’ niya ng mas sumikat sa ‘Eat Bulaga’ noong siya ay mapareha kay Alden. Hindi pa man artista si Maine Mendoza, mayaman na rin talaga ang kanyang pamilya. Kahit na mayaman, siya ay namumuhay ng simple lang. Sa katunayan siya ay nakitang kumakain ng ‘Mik-Mik’ at ‘Haw-Haw’ na ilan sa mga pambatang pagkain dati.

5. Tuesday Vargas




Madalas makita si Tuesday Vargas na namimili ng bulaklak sa Dangwa para sa mga events, kasal, at kaarawan na inaayos niya. Makikita rin siyang pumupunta sa UP Diliman sa kainang Rodic’s restaurant.

6. Kim domingo


Ang napaka-gandang kapuso aktres na si Kim Domingo ay hinahangaan ng maraming pinoy. Mapapansin sa litrato na kahit mala-diyosa ang kanyang kagandahan, siya ay masayang kumakain ng naka-kamay na ang ulam ay naka-styro na sisig.




error: Content is protected !!