Bumuhos ang tulong sa bata na gumagamit ng kahoy at goma para sa kaniyang ballpen dahil sa wala siyang kakayahang bumili nito!

Nito lamang Marso nang mapukaw ng batang ito ang atensyon ng maraming mga netizen dahil sa wala man siyang pera pangbili ng kaniyang panulat ay sinikap pa rin niyang lumikha ng ballpen mula lamang sa kahoy, goma at pinaglumaang tinta ng ballpen.

Nakilala ang kahanga-hangang bata na ito na si Jan Kim isang mag-aaral sa ikalawang baitang mula sa Union Elementary School in Sta. Rita, Samar. Ang kaniyang guro na si Maricor Baculanta ang nagbahagi ng kaniyang mga larawan sa social media noong ika-27 ng Pebrero.

Naawa siya sa kalagayan ng bata ngunit mas hinangaan niya ito dahil sa kaniyang pagpupursige at pangarap sa buhay kahit pa siya ay walang pangbili ng panulat sa paaralan.

Marami ang naawa sa batang ito at nagnanais tumulong sa abot ng kanilang makakaya. Marami din naman ang nagsasabi na dapat siyang tularan ng marami pang mga estudyante na basta basta na lamang nag-aaksaya ng kanilang mga gamit sa paaralan dahil sa ang kanilang mga magulang ay kayang-kaya namang bumili ng kanilang mga pangangailangan.

Buti na lamang at ibinahagi ng kaniyang guro ang kaniyang kalagayan kung kaya naman bumuhos talaga ang maraming tulong hindi lamang para sa kaniyang kundi para na din sa kaniyang mga kamag-aral. Mayroong nagpadala ng pera sa kaniyang guro upang maipaabot sa bata habang ang ilan naman ay nagbigay ng pagkain, mga tsinelas, at maraming mga gamit pang-paaralan. Tunay ngang hindi na muli pang gagamit ng ballpen na gawa sa kahoy at goma ang batang ito.

Marami din naman ang patuloy na nanalangin na sana ay mayroon nang sumuporta kay Jan Kim upang tuloy tuloy na ang kaniyang pag-aaral at hindi na niya isipin pa kung paano niya matutupad ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.



Reply