Hinangaan ng publiko ang batang ito dahil sa husay niyang tumugtog ng Ukulele niya!

Maraming mga bata sa kalye na namamalimos ng pera o kaya naman ay makakain sa kalsada araw-araw. Mayroong ilan na deretsuhang humihingi na lamang ng salapi samantalang ang iba naman ay mangangalabit na lamang sabay hawak sa kanilang tiyan na mayroong papungay-pungay ng mga mata.


Ngunit mayroon din namang mga batang kalye na ginagamit ang kanilang talento sa pag-awit o kaya naman ay magtugtog ng instrumento upang kahit papano ay mapagkalooban sila ng kaunting salapi. Kahit pa mayroon nang “anti-mendicacy law” ay hindi naman maitatanggi na lumalambot ang puso ng ilang mga Pilipino sa mga talentadong bata na ito.


Isang netizen na nagngangalang TJ Clemente ang nasa Cebu City noon nang isang batang paslit ang lumapit sa kanilang grupo at sila ay tinugtugan gamit ang kaniyang Ukulele sa tugtuging “Despacito”. Ayon pa sa ibinahaging post ni TJ, ang batang ito ay taga-Cebu na kadalasang makikita sa labas ng “Rico’s lechon” sa Mactan Airport sa Cebu, City. Sinabi diumano sa kaniya ng bata na siya ay tumutugtog para sa kaniyang pag-aaral at kahit papano ay makapag-ambag din sa pangkain ng kaniyang pamilya.


Talaga namang kamangha-mangha ang ganitong uri ng mga bata ngayon. Ginagawa ang lahat at nagsusumikap upang kahit papaano ay maituloy ang kanilang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral at makatulong din sa kani-kanilang pamilya. Nawa ay maraming mga tao pa ang maging instrumento upang kahit papaano ay matulungan ang mga batang katulad niya.

Posted by Tj Clemente on Tuesday, March 5, 2019

Tunay ngang mayroon pa ring mga tao na nagpupursige at nangangarap sa buhay. Bagama’t mahirap ang buhay ay hindi pa rin nila pinipiling gumawa ng hindi maganda upang makaraos lamang sa buhay. Sana ay maging inspirasyon pa ito sa maraming mga Pilipino lalo na sa mga kabataan.

Posted by Tj Clemente on Tuesday, March 5, 2019



Reply