Isang estudyanteng pinoy sa Taiwan, naging kargador, binahagi ang karanasan sa pagiging OFW

Isang pinoy na estudyante sa Taiwan ang nagbahagi ng kanyang saloobin patungkol sa buhay ng mga OFWs. Marami pa rin kasi sa atin ay hindi alam ang hirap na dinaranas ng mga ating kababayan sa ibang bansa upang mabigyan lamang ng magandang buhay ang mga naiwan nila sa Pinas. Si Jan Marvian Frias ay isang estudyante sa Taiwan na sumubok magtrabaho sa lugar upang maranasan niya ang buhay ng isang OFW. “Na curious lang,” ayan ang sinabi ni Jan Frias. Nagtrabaho siya bilang isang kargador kahit na mayroon naman siyang mga allowance mula sa magulang.


Ang pagiging kargador ay hindi birong trabaho. Mabibigat na mga kahon ang araw-araw na binibibit at talaga namang pagtapos ng araw ay siguradong mananakit ang pangangatawan dahil sa matinding pagod. Sinubukan niyang magtrabaho upang mas maintindihan niya ang hirap ng ginagawang sakripisyo sa kanya ng kanyang mga magulang na mga OFW’s din.

Dito ay pinuri at pinarangalan ni Jan Marvian Frias ang mga OFW’s.
Ayon sa kanya:
“Lalo akong humanga sa katatagan na meron sila. Sa isip isip ko, sana nakikita ng mga pamilya nila ‘yung nakikita ko ngayon. ‘Di ako emosyonal na tao, pero nung nasaksihan ko to, ang lit, durog puso e.”

Hindi madali ang malayo at mawalay sa pamilya, kaya pinipilit lang din ng mga kababayan natin nasa ibang bansa ang maging matatag.
“Ganon naman e, kayang itago sa ngiti ‘yung hirap.” idinagdag pa ni Jan Marvian Frias.

Malaking tulong din ang pagkakaroon ng social media dahil makikita ng mga pamilya ng mga OFW’s ang mga buhay na nararanasan nila. Madalas ay makikita nating naka-ngiti at masaya sa litrato ang mga ibinabahagi upang hindi mag-alala ang mga taong nagmamahal sa kanila. “Kaya pag nakita ninyong may magagandang pics, nagfefacebook live ang kapamilya, di ibig sabihin non masaya, di ibig sabihin non walang hirap.” dagdag pa ni Jan Marvian Frias.


Hindi naman sinasabing lahat ng OFW’s natin ay nahihirapan. Pero hindi mapipigilang isipin na talagang marami ang hindi pinapalad ng maayos na trabaho sa ibang bansa, kaya sa kagustuhang kumita nagtitiis na lamang.



Reply