Isang pamilyang Pilipino ang kumikita ng isang milyong dolyar dahil lamang sa pagbabahagi ng mga video online!

Isang pamilya ang kumikita ng halos isang milyong dolyar sa pagbabahagi lamang ng mga video sa YouTube! Nagbitiw sa kanilang mga trabaho ang mag-asawa at tinutukan na lamang ang kanilang “vlogging”. Ang pamilyang ito rin ang nagbibigay ng mga laruan sa maraming mga batang Pilipino sa Pinas.

Ang pamilya na ito ay naninirahan sa California at kumikita sila ng higit sa isang milyong dolyar sa pag-uupload lamang ng mga videos ng mga anak nilang masayang naglalaro ng kanilang mga laruan sa YouTube.

Ayon pa kay Mark na hindi na sinabi pa ang kaniyang apelyido para sa kanila na ring kaligtasan, hindi na niya kinakailangan pang pumasok sa opisina o pumunta pa sa kung saan para lamang makapagtrabaho dahil nasa bahay lamang sila. Ayon din naman kay Rhea, bonding na rin nila ang paggawa ng mga video na ito bilang isang buong pamilya.


Ilan lamang sa mga laruang ito ay ang “Thomas: the Tank Engine Toys”, pagsakay at paglilibot gamit ang malalaking mga laruang motorsiklo. Ang mga video na ito ay mahahaba at umaabot ng 15 minuto pataas.

Ayon pa kay Mark, umaabot ng P126,000 ang kanilang kinikita sa isang araw lamang depende sa dami ng mga views o manunuod ng kanilang video. Maging ang simpleng pagbubukas ng mga laruan ng kaniyang mga anak ay umaani ng maraming mga manunuod. Hindi ron naman sila nakakalimot na tumulong sa mga kapwa nila Pilipino dahil ang mga laruan na kanilang naiipon ay agad nilang ipinamamahagi sa mga kabataang walang kakayanang magkaroon o makabili lamang ng mga laruan.

Ayon din sa isang artikulo ng “Parenting” ang kanilang channel ay nailunsad noon pang 2007 ngunit sa kasalukuyan ay pang-42 na ito sa pinakapinapanuod na channel sa YouTube. Kumita sila ng 1 milyong dolyar mula 2010 hanggang 2014 dahil lamang sa mga patalastas sa kanilang mga video at 1.5 milyong dolyar naman ang target nila ngayong taon.



Reply

error: Content is protected !!