James Reid, umamin na tungkol sa usap-usapang naglilive-in na sila ni Nadine Lustre!

Ang Pilipinas ay isa sa maraming mga Kristiyanong bansa sa Asya. Bilang isang Kristiyanong bansa ay marami tayong mga pinaniniwalaang kaugalian at tradisyon. Maaaring ito ay tungkol sa pakikipagrelasyon, pagpapakasal, o maging sa pag-aasawa. Maraming mga tao ang patuloy pa ring naniniwala sa mga ganitong kaugalian. Habang ang iba naman ay tanggap na ang pagbabago sa ating panahon ngayon.


Marami man ang nagulat at nagsalubong ang kilay sa usap-usapang nagsasama na sa iisang bubong ang JaDine, tambalan nina James Reid at Nadine Lustre, ay mas marami pa din ang nagdiwang at nagpunyagi dahil sa wakas ay natupad na ang kanilang minimithi na magkatuluyan ang kanilang mga hinahangaang idolo sa totoong buhay.


Marso 10 nang si James Reid ay naging bisita sa programang “Gandang Gabi Vice”. At ito nga ay nadulas nga patungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon nang kaniyang on and off-cam sweetheart na si Nadine. Kasabay ng pagbubunyi ng marami nilang taga-hanga at tagasuporta sa tatlong taon mahigit na nilang relasyon ay mas labis pa silang nagalak dahil sa pag-amin ng 25-taong gulang na aktor na sila nga ay nakatira na ni Nadine sa iisang bahay.


Ayon sa aktor, “We live together, so, like.. Did you know that already? Okay, well, we live together.” Kahit pa ganito na ang kanilang set-up ay hindi pa rin daw nababago ang kanilang pagtingin sa isa’t-isa. Mayroon pa ring kilig kumbaga. Lalo na ngayon na masyado silang abala sa kani-kanilang mga proyekto, talaga namang namimiss pa din nila ang isa’t-isa.


Ayon naman sa paniniwala ni Vice Ganda, tiyak naman na matatanggap ito ng kanilang nga taga-hanga at nang publiko dahil sa sila ay real-life couple naman. Tiyak na magiging masaya ang lahat ng mga taong sumusuporta at nagmamahal sa kanila.



Reply

error: Content is protected !!