Tinanggihan ng Milyonaryong Thai ang isang manliligaw ng kanyang dalaga! Masyado daw kasing pogi!.

Patuloy ang paghahanap ng isang taga-Thailand na isang Multi-Millionaire na ang pangalan ay Arnon Rodthong ng lalaking magiging asawa ng kanyang anak na babae na ang pangalan ay Karnista. Maalalang naging viral ito sa social media. Dahil sa malaking alok na tumatayang sampung milyong baht ($315,000) o humigit pa sa 16M Pesos sa kung sino man ang magiging asawa ng dalaga niyang anak na si Karnista na may edad na 26 anyos. Bukod pa sa perang pabuya, may dagdag pang 10 sasakyan, isang bahay, at malaking taniman ng durian na kasama sa magiging pabuya.


Sino pa ba ang hindi mahuhumaling sumubok upang maging asawa ni Karnista? Ang naturang post ay naging viral sa Thailand at ayon sa isang report umabot ng 10,000 lalaki ang sumubok ng kanilang kapalaran. Sa dami ng sumubok kakaunti lamang ang napapansin at isa na dito ay si Premyosapon Khongsai.


Si Premyosapon Khongsai ay isang 28 taong gulang na lalaki na sumubok na maging asawa si Karnista. Sumikat ang kanyang post na umabot sa 14k na likes sa ilang araw lamang. Kasama sa kanyang post ang pagsabi na marunong siya sa pagtatanim ng durian at nagsabing kung mabibigyan ng pagkakataon ay pagbubutihan niya ito.


Ayon sa kanyang post:
“I’m interested. I am 28 years-old. My family also grows Durian in Trat province. We have over 300 trees… I can weather the sun and the rain. I can drive a 10-wheel truck and tractor. Please consider me, father Arnon. Thank you.”


Nagustuhan naman ni Karnista si Khongsai at nasabing “pretty cute” ang binata. Ang problema lamang ay tinanggihan ito ng ama dahil masyado daw pogi.

Ayon sa sagot ni Arnon Rodthong:
“Premyosapon doesn’t pass for me because he is too handsome. He might break my daughter’s heart.”

Sinabi rin niya na maaaring itigil na niya ito kung ito ay lumilikha na ng kaguluhan sa kanila at sa kanilang business. Pero niliwanag pa rin niya na siya ay magbibigay pa rin ng pabuya sa lalaking magiging asawa ng kanyang anak na dalaga.



Reply