Tinawag na ‘Pooktre’ ang isang paraan upang ihugis ang mga puno upang maging kasangkapan

Pinaka-mainam talaga ang may puno na malapit sa bahay. Masarap at nakaka-relaks sa mata ang mga kulay berdeng kulay. Bukod pa sa nabibigay na malinis na hangin ay talagang nakakapag-bigay din ito ng dagdag na kagandahan. Pero alam niyo bang mayroong mga kasangkapan sa bahay na inihugis na puno? Iyong mga tumubo na puno at sa paglaki ay hugis upuan na ito o lamesa?

Ang Australian based na ang pangalan ay Peter “Pook” Cook at ang kanyang partner na si Becky Northey ay nakilala dahil sa angking husay nila sa paghuhugis ng mga puno habang tumutubo upang maging kasangkapan. At siguradong mabibilib ka dahil sa angking kagandahan ng pagkaka-gawa ng mga hugis ng mga puno.

Nagsimulang maisip ni Peter Cook noong siya ay nagiisip kung kaya bang patubuin ang isang puno upang maging isang upuan. Ito ay naisip niya noong 20 taon na ang nakalipas.

Maraming paraan ang sinubukan ni Peter Cook upang maging matagumpay ang kagustuhan niya. Maraming mga pamamaraan at mga sinubukang puno ang ginawa. At lahat ito ay na-obserbahan at naka-record. Sa tulong ng kanyang partner na si Becky Northey sila ay naka-gawa ng paraan patungkol sa paghuhugis ng puno. Itiniwag nila itong ‘Pooktre’.

Tunay na nakaka-bilib ang mga likha ni Peter Cook na kasangkapan. Ilan dito ay ang mga coffee tables, bed-ends, candelabras, pati na rin ang mga hugis tao na yari sa puno na tinawag nilang ‘living tree people’.

Hindi biro ang paglikha ng mga ganito. Gumugugol ng matagal na taon ang pagpapatubo ng mga ganitong kasangkapan. Katulad na lamang ng upuan, 7-8 na taon ang bibilangin upang maging matibay ito. At ang iba pang mga gawa nila Peter Cook ay tumatagal ng 10-12 taon.


Kaya naman isang kayamanan na maituturing ang mga ganitong obra. Dahil hindi lamang talento ang ginawa dito, pati ang tagal ng pag-aantay



Reply