7 year old na Chinese, magaling mag-magic!

Ang pagtatanghal ng magic ay isang talentong maituturing. Upang makapag-perform ng mabuti, kinakailangan ang matinding pagsasanay at pagiging mabilis. Masasabing ito ay isang ilusyon, pero talaga namang nakaka-mangha kapag ito ay napanuod.

Madalas na kinahihiligan ng mga tao ang mga magic tricks upang makapag-bigay ng aliw sa mga tao o manunuod. Sa ilang minuto niyong makikita ay mapapasip kung paano nagawa ang tinatawag na magic. Madalas ay makikita natin ang mga gumagawa nito ay mga may edad na o iyong mga taong pagma-magic talaga ang kinahiligan.

Pero mayroong sumikat na post sa China na isang batang babae na magaling mag-magic. Kapag natunghayan niyo siyang magpakita ng kanyang magic tricks ay siguradong mabibilib kayo at matutuwa dahil sa kanyang kagiliw-giliw na itsura.

Ang pitong taong gulang na babaeng chinese ay mayroon ng 1.5 Milyon na followers sa isang Chinese na Social Media. Nakaka-bilib na ang dami na ito sa kanyang edad. Nakaka-engganyo kasi talagang panuorin ang batang ito na lalo na kapag ito ay nangiti na. Sa kanyang video, makikita na may tatlo siyang itlog at may dalawang mangkok. Ang kanyang pagtatanghal na magic ay kung paano niya pawawalain o ililipat ang mga itlog kung saan ay nakikitang inilalagay sa mga puting mangkok.

Naaaliw ang mga matatandang nanunuod sa kanya. At sa tuwing nabibilib ang mga manunuod sila ay napapa-wow! Maaaring nagagamit niya ang kanyang karisma at pag-ngiti upang linlangin ang mga manunuod niya. Pero kung pagmamasdan mabuti ang magic trick, mahirap makita kung paano niya nadaya ang ginawa niya.

Pero kahit ito man ay isang daya, isipin na lang na sa ganitong edad ay ito ang nakaka-hiligan niya. Imbis na puro gadget at cellphone, mas iniisip pa rin niya ang ganitong kahiligan. Sana ay may marami pa siyang mga magic tricks na gawin upang mabigyan ng kaligayahan ang mga manunuod niya.



Reply