Ang kwento ng isang mayamang babae na labis ang pagtawad sa isang tindera ng saging ngunit walang habas naman sa pagwaldas ng kaniyang pera sa mamahaling mga restawran!

Isang netizen na nakilala bilang si Abby Ross ang nagbahagi sa social media patungkol sa napakabuting aral na dapat malaman ng maraming mga Pilipino. Ang nasabing post ay patungkol sa isang tindera ng saging at sa isang mayamang mamimili. Ang pangyayaring ito ay madalas na nangyayari lalo na sa pamilihan halos araw-araw.

Isang araw mayroong isang mayamang babae na nagtanong sa isang tindera ng saging kung magkano ang kaniyang paninda. Agad namang sagot ng tindera ay piso para sa isang piraso na saging. Nang ito ay marinig ng mayamang babae agad niyang sinabi na bibili siya ng anim na pirasong saging kung ibebenta niya ito sa kaniya ng 25 sentimo o kaya naman ay aalis na lamang siya. Dahil sa tumal ng kaniyang paninda ay wala nang nagawa pa ang kawawang tindera kung kaya naman ibinigay na niya ang nais ng mayamang babae.

Agad namang nagbayad ang mayamang babae at dali-daling umalis sa pamilihan ng taas-noo at agad na sumakay sa kaniyang kotse patungo sa isang mamahaling restawran kasama ang kaniyang mga kaibigan. Sa mamahaling restawran ay umorder nga ng maraming pagkain ang mayamang babae at ang kaniyang mga kaibigan ngunit kaunting-kaunti lamang ang kanilang kinain. 1,200 piso ang lahat ng kanilang inorder at nagbayad ang mayamang babae ng 1,500 piso at sinabing huwag na siyang suklian pa.


Kung tutuusin ay hindi tama ang ginawa ng mayamang babae sa kawawang tindera. Kung sino pa ang mas nangangailangan ay siya pang mas ginigipit ng mga taong dapat sana ay mas nagnanais na tulungan pa ang mga kapos palad.



Reply