“Art for Sale” ito ang paninda ng mga batang palaboy sa tulong ng isang lalaki

Nakakalungkot isipin na marami ang mga kapos palad sa ating bansa. Kaya madalas tayong nakaka-kita ng mga taong namamalimos sa daan. Pero siyempre, hindi sa lahat ng pagkakataon ay mayroon tayong maitutulong dahil ang iba ay sapat-sapat lang din.


Kaya naman mas natutuwa tayong magbigay sa mga kapos palad na nagsusumikap na kumita sa paraan ng pagtitinda. Katulad na lamang ng pagtitinda ng sampaguita at iba pang mga bagay na para sila ay kumita. Isang post ang nag-viral patungkol sa mga batang nagtitinda ng kanilang mga drawing. Ang post na ito ay bahagi ni Adrian Moslares sa Facebook.


Ang mga batang nagtitinda ng kanilang mga drawing ay makikita sa labas ng Gaisano Grand Mall, Calbayog City sa Samar. Ayon kay Adrian Moslares, siya ay napadaan sa nasabing lugar ng alas-siyete ng gabi noong Pebrero 20 nang napansin niya ang grupo ng mga kabataang gumagawa ng drawing na may paskil na “Art for Sale”.


Natuwa siya sa kanyang nakita at ito ay naging daan upang ibahagi niya ito sa Facebook. Napansin din niya na tinutulungan ang mga bata ng isang lalaking naka-suot ng berdeng damit na may asul na bag. Siya ay si Dennis Calag na isang artist. Ang mga bata ay gumuguhit ng mga larawan sa karton at nabebenta nila ito mula piso hanggang limang piso. Nakakatuwang isipin na imbis na namamalimos, gumagawa sila ng paraan upang kumita ng pera. Bukod pa dito, sila ay natututo sa larangan ng sining. Ito ay pagpapasalamat nila kay Dennis Calag na nagtuturo at nagbibigay sa kanila ng mga kagamitan.


Ayon kay Adrian Moslares:
“Dun po ako na touch at kinunan ko ng picture para magsilbing inspiration sa ibang kabataan at tsaka sa ibang artist and hoping also na there is somebody na willing tumulong sa mga Batang Palaboy,”



Reply

error: Content is protected !!