Dating nakikitira lamang, Loisa Andalio nagpapatayo na ng sariling tahanan sa edad na 19!

Sa wakas ay makakahinga na ng maluwag ang aktres na si Loisa Andalio dahil sa magkakaroon na ang kaniyang pamilya ng sarili nilang tahanan! Kung maraming mga kabataan ang hindi pala alam kung ano ang kanilang magiging pangarap, si Loisa naman ay natupad na ang isa sa pangarap ng kaniyang mga mahal sa buhay na magkaroon sila ng sarili nilang bahay.


Pag-amin ng aktres, 20 taon silang nakitira sa bahay ng ibang tao kung kaya naman laking tuwa niya ng sa wakas ay natupad na niya ang matagal niyang pangarap na magkaroon ng sariling tahanan. Ibinahagi ni Loisa ang larawan ng kanilang ginagawang bahay kung saan nilagyan niya pa ito ng caption na “Trabaho pa Loisa, para matapos na.” Hindi rin siya nakakalimot na magpasalamat sa Panginoog Diyos para sa katuparan ng kaniyang pangarap.


Noong nakaraang Setyembre lamang ng magbahagi ng larawan si Loisa ng pundasyon ng kanilang bahay at ayon pa sa dalaga, bawat miyembro ng kaniyang pamilya ay magkakaroon ng sarili nitong mga kwarto.


Bagamat maraming nagsasabing “jologs” siya at hirap sa pag-Iingles, hindi naman ito dinamdam ng aktres bagkus ay sinabi nitong hindi mo naman kailangang makipagsosyal-sosyalan pa sa ibang tao lalo na kung hindi naman ito ang iyong ugali o ang iyong kinalakihan. Pag-amin pa nito ay laking kalye siya noong kabataan niya kung kaya naman hindi niya nakasanayan ang pagsasalita ng Ingles. Higit pa rito ay hindi siya lumaki sa pamilyang ingglesero o ingglesera dahil tagalog naman talaga sila.


Talaga namang nakakamangha at dapat gawing halimbawa ang kwentong ito ni Loisa. Sino ba namang mag-aakala na ang dating nakikitira lamang sa bahay ng ibang tao ay magkakaroon na ng sarili nitong tahanan dahil sa kaniyan matinding sipag, tiyaga at pagpupursige sa buhay.



Reply