Hirap sa paghinga, isang sinyales ng pagkakaroon ng mataas na presyon!



Mahilig ka bang kumain ng mga mamantikang pagkain? Mahilig ka bang magpuyat? Hindi ka na ba nakakapag-ehersisyo? Nahihirapan ka na ring huminga? Baka mataas na ang Blood Pressure mo!



Ang pagkakaroon ng mataas na presyon ay hindi dapat binabalewala. Isang traydor na sakit na maituturing ang sakit na ito. Katulad na lamang ng nangyari kay Chokoleit. Mapapansin na nahihirapan na siyang huminga sa kanyang pagtatanghal sa Abra at pagkatapos ay binawian na ng buhay.


Kung nadadalas na ang pagkirot ng dibdib at nahihirapan ng huminga dapat ay magpa-kunsulta na kaagad sa doktor. Mas mainam ang maging maingat kaysa sa tuluyang mawala. Ayon kay Deborah Ona, na Secretary of the Philippine Society of Hypertension, ang pagkakaroon ng mataas na presyon ay parang isang naglalakad na bomba. Kaya kung makakaranas ng mga nasabing sintomas agad na magpunta sa mga espesyalista.


Ayon kay Doc Ona sa isang ulat sa PhilStar:
“Hypertension or higblood pressure is a walking time b0mb because most of the patients don’t really have symptoms. Some of them develop symptoms and they are in the emergency room already, they have a stroke o heart attack because they don’t know what their BP is,”

“Ang ibig sabihin nito, the higher your blood pressure is, the higher your risk. And this was proven all over through literature,”



“So any change that leads to improve BP control is likely to get beneficial. So kung linear equation siya, kung bumaba ang BP ninyo, bababa din ang risk n’yo,”

Para mas maging maingat ay maaaring gumamit ng mga portable na panukat ng Blood Pressure upang masuri at malaman araw-araw ang BP. Sa pamamagitan nito ay malalaman kung kailan ba dapat sumugod sa ospital upang maingatan ang sarili.

Dagdag pa ni Doc Ona:
“The use of automated BP measurement devices has the potential to improve BP management. Because all of us can use it unlike the other mercurial you need a person, dapat dalawa kayo. At saka ‘yung taong ‘yun na kukuha ng BP mo dapat marunong siya. But now there is a potential to improve BP management because anybody can get their blood pressure,”






error: Content is protected !!