Isang babaeng naglihi sa pagkain ng sabon! Ngayon ay nagre-review ng mga brand ng sabon sa pagkain niya nito!

Isa sa pinaka-kakaibang pakiramdam para sa mga nagbubuntis ang paglilihi. Sa pagkakataong ito ay naghahanap ang nagbubuntis ng kagustuhang pagkain. Karaniwan sa mga gusto ng mga Pinay na buntis ay ang manggang hilaw at may ilan din na mga kakaibang mga pagkain na itiniterno sa ibang lasa. Pero mayroon pa bang mas kakaiba kung ang paglilihi mo ay ang pagkain ng sabon?

Isang babae sa Indonesia ang naging viral dahil sa kakaiba niyang gawain. Ito ay ang pagkain ng sabon. Siya ay sumikat sa pag-gawa ng mga reviews patungkol sa mga brand ng sabon sa paraan ng pagkain nito at sa pagsabi ng lasa. Siya si Khosik Assyifa na taga-East Java na isang probinsya sa Indonesia. Nagsimula ang pagka-hilig niya sa pagkain ng sabon noong siya ay nagbuntis noong dalawang taon ang nakalipas. Ito ang kanyang napag-lihian. Nagustuhan niya daw kasi ang lasa na naging hilig na niya dahil ang ibang sabon daw kasi ay may pagka-fruity ang lasa.

Ayon sa kanya, hindi naman daw siya nagka-sakit noong kumain siya ng sabon. Hindi siya nakaranas ng Nausea, Diarrhea, Pagiging Bloated, o kahit anong pananakit ng tiyan. Ayon din sa kanya, malusog naman daw ang kanyang baby at walang ano mang naging masamang dulot ang pagkain niya ng sabon. Inamin naman niya na nahihiya siya ng ginawa niya ito. Noong una ay hindi niya talaga masabi sa kanyang asawa ang pagka-hilig at paghahanap niya sa pagkain ng sabon.

Ang pagka-hilig niya sa sabon ay ginamit niyang paraan upang gumawa ng reviews sa mga brand ng sabon sa lasa nito. Nagumpisa ito sa biro pero ang mga videos niya ay talagang naging viral at umabot na ang ilan sa 270k views sa Instagram. Maraming tao na rin ang nagsasabi ng kanilang mungkahi kung anong sabon ang isunod niya sa review upang kainin. Ikaw, kung magmumungkahi ka, anong sabon ang sasabihin mo? Sabong panlaba naman para maiba. Lol!



Reply

error: Content is protected !!