Isang nakaka-tuwang pusa ang sumikat sa isang Train Station sa Israel!

May mga kanya-kanya tayong hilig pagdating sa hayop. Karaniwan ay aso ang madalas na ginagawang alaga dahil sa pagka-malapit nito sa tao. Ang iba naman ay nahihilig sa pusa dahil kung sa palambingan, masasabing malambing din ang pusa.

Pero isang train station sa Israel ay nakilala dahil hinahayaan nila ang isang nakaka-tuwang pusa na nakapatong sa gate na pasukan ng tren. Parang isang security guard kung tumingin pero kinagiliwan ng maraming sumasakay ng tren. Ang train station sa Petah Tikva, isang siyudad na malapit sa Tel Aviv ang napiling tambayan ng pusang ito. Pinili niyang humiga sa daanan kung saan inilalagay ng mga komyuter ang kanilang card upang makapasok sa tren.

Maraming mga tao na rin ang natutuwa sa pusa at pinangalanan siyang ‘Shawarma’ ng mga tao. Pero siyempre hindi lahat ng tao ay gusto ang pusa. Pero para sa mga natutuwa sa kanya, ang iba ay humahaplos at ang iba naman ay ngumingiti sa pusa. Isang netizen na ang pangalan ay Dan Kashani ang nagbahagi ng kanyang video sa kanyang Facebook account patungkol sa pusang si Shawarma na umabot na sa 5.8 Milyon views.

Ayon kay Dan Kashani:
“I was coming back from work. As soon as I got to the gate I saw the cat lying on the gate and it was very cute — it made me smile,” Parang mascot na rin siya ng Train Station na parang itinuturing na sariling bahay ang lugar.

Ibinahagi pa ni Dan Kashani:
“You can pet her if you offer your hand and wait and see if she’s into it. But sometimes she’s not into it, and she’ll let people know with a slight scratch or bite. She has to be into it,” Tumawag kay Dan Kashani ang Mayor ng kanilang lugar at tinanong kung saan matatagpuan ang pusa.

Ayon pa kay Dan Kashani:
“The mayor called me up and said, ‘I want to meet that cat — what station is it?’ I told him and he actually went there and met the cat,” Kashani shared.
“He gave her food and treats and a toy and petted her. I was like, ‘You’re a cool mayor, I didn’t vote for you, but I will from now on!’”

 



Reply

error: Content is protected !!