Mga anak ni Paolo Contis sa dating asawa na si Lian Paz, sobrang cute at gagandang bata talaga!

Masarap maging isang magulang. Walang tatalo sa kakaiba at espesyal na pakiramdam lalo na kung nakikita mong lumalaking malulusog at masasaya ang iyong mga anak. Bagamat dadating at dadating din ang panahon na sila ay lalaki na ng tuluyan at hindi mo pa rin maiiwasang hanap-hanapin ang dating kakulitan at kalikutan nila. Tunay ngang hindi habang buhay ay mananatiling bata ang ating mga minamahal na anak.


Marahil ay marami ang nakakaalala sa dating mag-asawa na sina Paolo Contis at Lian Paz. Si Lian Paz ay dating mananayaw ng Eat Bulaga bago sila ikasal ng aktor at komedyanteng si Paolo Contis noong 2009. Sila ay nabiyayaan ng dalawang mga anak na babae. Sina Xonia at Xalene.

Nakarelasyon noon ni Lian Paz ang aktor at mananayaw din na si Mark Herras bago naging sila ni Paolo. Sa ngayon ay pinoproseso na ang papeles ng kanilang paghihiwalay.


Kahit pa sila ay hiwalay na hindi pa rin nila pinababayaan ang kanilang responsibilidad para sa kanilang mga anak. Bagamat na kay Lian ang kustodiya ng kanilang mga anak ay hindi hinahayaan ng aktor na hindi niya mabigay ang nararapat na sustento para sa kaniyang dalawang anak sa dating EB Babe.


Talaga namang manghang-mangha ang maraming mga netizen sa angking ganda nina Xonia at Xalene. Manang-mana sila sa kanilang poging ama at magandang ina. Mayroon silang nangungusap na mga mata, matatangos na ilong at mala-anghel na mukha. Hindi na nakakapagtaka na pumasok sila sa industriya ng show business dahil sa mala-artista nilang itsura.

Ngunit giit ng kanilang ina, mas nais niyang makapagtapos muna ang mga bata bago pumasok sa industriyang kinabibilangan din ng kanilang ama.



Reply