Mga anak ni Sylvester Stallone, malalaki na at mga propesyonal na modelo na ngayon!

Sophia, Sistine, at Scarlet iyan ang mga bagong pangalan sa industriya ng pagmomodelo ngayon. Bagamat itinago ng kanilang ama na si Sylvester Stallone ang kanilang paglaki ay talaga namang handang-handa na sila sa tagumpay na naghihintay sa kanila sa napili nilang larangan.

Isang batikang aktor ang kanilang ama na kilala sa buong mundo. Ang kanilang pelikulang “Rocky” ay talaga namang umani ng maraming papuri at nagkaroon pa nga ng apat na sequel. Ngunit hindi naging madali ang lahat para sa mahusay na aktor dahil sa dumaan din siya sa mga pagsubok at problema.

Natutulog siya noon sa isang terminal ng bus dahil sa wala na siyang kakayahan na suportahan ang kaniyang sarili. Buti na lamang at agad siyang nagkaroon ng trabaho at naging isa nang batikang aktor hanggang ngayon.

28 taong gulang siya ng una siyang ikasal bagamat hindi maging matagumpay ang dalawa niyang naunang kasal ay naging masaya naman ang kaniyang ikatlong pag-ibig. Siya ay ikinasal kay Jennifer Flavin noong 1997 at biniyaan sila ng tatlong babaeng anak na sina Sophia, Sistine, at Scarlet.

Talaga namang namana nila sa kanilang mga magulang ang kanilang kagandahan at hindi na kataka-takang silang lahat ay nakasama sa 74th Golden Globe Awards 2017 at sila ay tinanghal na “Miss Golden Globe”.

Maaaring bata pa sila ngunit talaga namang kamangha-mangha na ang kanilang mga nakakamit na tagumpay sa buhay. Sa katunayan, si Sophia ay naging hurado sa “Project Runway” at nagkaroon din siya ng oportunidad na maging bahagi ng Dolce & Gabbana ad campaign kasama ang kaniyang kapatid na si Sistine.

Sina Sophia at Sistine ay kasalukuyang nag-aaral sa University of Southern California habang si Scarlet naman ay nasa highshool pa lamang.



Reply