Isang 10 taong gulang na lalaki ang nagligtas ng mga hayop dahil sa kalamidad na dulot ng Hurricane Willa

Isang nakaka-lungkot na pangyayari ang naganap ng nakaraang taon ng sinapit ng Nayarit, Mexico ang hagupit ng Hurricane Willa. Dahil dito, libo-libong tao sa lugar ang naghanap ng kanilang matutuluyan.


Isa sa pinaka-malakas na tropical cyclones ang Hurricane Willa. Sinapit din dati ng nasabing bansa ang ganitong trahedya noong taong 2006, na ang Hurricane Lane naman ang naminsala. Ang mga ganitong trahedya ay hindi napipigilan, pero napaghahandaan. Pero maraming nawasak sa ginawa ng Hurricane Willa na naging dahilan ng pagkasira ng mga bahay at gusali sa western coast ng Mexico. Kapag dumating ang ganitong pagkakataon, madalas na naiisip ng maraming tao ay maligtas ang kanilang pamilya at dalhin ang mga importanteng gamit. Pero mayroon isang bata, kahit na nasa mahirap na sitwasyon, ay nanatili upang magligtas ng mga hayop na nakikitang buhay. Isang 10 taong gulang na batang lalaki na nagngangalang Jostyn Dilan Cabrera Ramirez ang nagligtas ng mga hayop na nakita. Ilan sa mga hayop na naligtas niya ay Aso at Manok. Dahil sa kabayanihan niyang ginawa, maraming tao ang nabilib at nag-bigay papuri sa kanya.


Si Jostyn ay lumusong sa baha at naglilibot upang kumuha ng mga hayop. Inilalagay niya ang mga makikitang hayop sa pinalutang sa baha na malaking batya. Sa kanyang pagliligtas, anim na aso at dalawang manok ang nalagay niya sa batya. Ang mga hayop na naligtas ay pagmamay-ari pala ng kanilang kapit bahay. Ang kwento ni Jostyn ay naging viral at maraming tao ang pumuri sa kanyang ginawang kabayanihan. Isa na dito ay si TRAC Sinaloa na naantig sa ginawa ni Jostyn na naging dahilan upang mag-donate siya ng pagkain para sa mga hayop. Sabi nga nila, hindi mo kailangan ng kapangyarihan at yaman upang magligtas, dahil kahit simple lamang ay makakatulong na.


Isipin na lamang na maliit na bata lamang ito. Pero kahit maliit lamang siya, malaki ang kanyang puso! Isang pusong handang tumulong sa mga hayop. Dahil ang mga hayop ay may buhay at dapat ding iligtas at hindi pabayaan.



Reply