Mga litrato ng isang bus na sobra kung magbuga ng usok, paano kaya nakapasa sa rehistro?

Matindi na nga ang nararanasan trapik sasabayan pa ng mga sasakyan na sobra kung magbuga ng mga usok ng tambutso. Isipin mo na lang na nakasakay ka sa isang jeep tapos nasa likod kayo ng isang sasakyan na mala-ulap ng usok ang buga. Siguradong matinding dumi at polusyon ang malalanghap mo.


Marami ang nadismaya sa mga pinakitang larawan ng isang netizen sa kanyang mga larawan patungkol sa isang bus na sobrang kapal ng usok ang binubuga ng tambutso. Sa pangalan sa Facebook na Joverlito Auza Estorgio, ibinahagi niya ang larawan ng isang bus na grabe ang polusyon na nilalabas.


Ayon sa post ni Joverlito Auza Estorgio:
“Paano kaya to na irehistro sa ltfrb at sa lto. Sa palagay nyo. May lagay or di mapalagay.” Tama nga naman si Joverlito, paano ba nakakalusot ang mga klase ng sasakyan na ito. Maraming netizen ang nag-komento ng kanilang pagka-dismaya sa ipinakitang mga larawan.


Ito ang ilan sa mga komento nila:

“NON APPEARANCE INSPECTION MGA YAN.ISIPIN NYO KUNG DALHIN LAHAT NG UNIT SA INSPECTION SECTION NILA MAY MAKAPASOK PA KAYANG IBANG SASAKYAN?”


“Isa po ako sa ride ng bus na ito from Marinduque to Kamias. Pinilit pa po ng driver na patakbuhin iyan kahit may sira na. At kahit pinagsabihan ko pa po na dalhin na lang sa Garahe sa Lucena kaso pinilit pa po dalhin ng Kamias.”

“Ang problema sa ganong sasakyan naparehistro yan dahil meron clang liason officer na taga lakad kahit d dala sasakyan maregestro talaga yan may kunti rng under lm muna r”


Mahigpit na ipinagbabawal ang “Smoke Belching” at may isang kampanya noong Nobyembre taong 2014 na “Anti-Smoke Belching Night Operations”. Ito ay inilunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Kung sakaling maka-kita kayo ng mga ganitong sasakyan pwede niyo itong i-sumbong sa pamamagitan ng online sa Department of Transportation at sa Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT).

Posted by Joverlito Auza Estorgio on Saturday, March 9, 2019



Reply