Miss Supranational 2013 Mutya Datul nagtrabaho bilang isang checker sa hardware store!

Marami na tayong mga kilalang beauty queen na talaga namang matagumpay sa kani-kanilang larangan matapos makoronahan, mapa-artista man o kaya ay negosyante tiyak na maraming pangalan ang agad na papasok sa iyong isipan.


Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang isang beauty queen title holder na sa kabila ng koronang napanalunan ay patuloy pa ring nagtatrabaho at nagbabanat ng buto. Siya ay nakilala bilang si Mutya Johanna Datul. Siya ang kauna-unahang Asyana at Pilipina na tinanghal bilang Miss Supranational noong September 2013 sa Minsk, Belarus.


Ayon sa isang ulat ng Pep.ph, nanatiling simple ang pamumuhay ng beauty queen kahit pa ito ay isa nang title holder. Sa katunayan ay namamasukan pa rin siya bilang isang checker sa isang hardware store sa 10th Avenue, Caloocan City.


“Marami akong bills na binabayaran, kailangan ko talaga ng monthly income kaya nagtatrabaho ako sa hardware bilang checker ng mga resibo. Ako ang breadwinner ng pamilya. Taga-Isabela talaga kami. Nakatira ako sa isang condominium building sa Cubao, ‘yun din ang purpose ko kaya nagtatrabaho ako sa hardware, mahal ang monthly rental,”paliwanag ng dalaga.


May matira man daw sa kaniyang sweldo ay pangkain na lamang. Talaga naman kamangha-mangha ang ganitong uri ng mga kababaihan. Hindi alintana ang hirap ng trabaho, ang simpleng pamumuhay at kahit pa ang araw-araw na pagko-commute para lamang makapagtrabaho at makatulong sa kani-kaniyang pamilya.


Sa ngayon ay mayroon siyang pelikula na dapat antabayanan at paka-abangan ng maraming mga manunuod. Tiyak na mapapamalas niya rin sa publiko ang kaniyang talento maging sa pag-arte. Hindi lamang siya inspirasyon sa maraming kabataang Pilipino dahil sa kaniyang pagmamahal sa kaniyang pamilya kundi lalo’t higit sa kaniyang pagtitiyaga, pagsusumikap at magandang kalooban.



Reply

error: Content is protected !!