Naantig ang publiko sa kalagayan ng matandang lalaki na ito na nakatira sa isang kahon!

Ginawa ng mga magulang natin ang lahat para magkaroon tayo ng komportable at masayang buhay. Kahit pa pagkaing isusubo nila o damit na daramtin nila ay ibibigay pa nila sa kanilang mga anak. Ngunit hindi lahat ng mga anak ay kayang magsakripisyo ng ganito para sa kanilang mga magulang. Ang ilan nga ay umaalis pa ng kanilang mga tahanan, iniwanan ang kanilang mga magulang upang gumala o kaya naman ay gawin ang anumang nais nila gawin kasama ang mga kaibigan.


Sa Iligan City, kumalat ang larawan ng isang lalaking naninirahan sa tila maliit na kahon, pinagkakasya ang kaniyang sarili sa masikip at makitid na lugar na iyon. Nagtataka naman ang maraming mga netizen kung saan naroon ang pamilya ng lalaki at ang mga anak na ito. Dahil sa delikado at hindi komportable ang lugar kung saan naroon ang kaniyang napakaliit na tahanan, talaga namang maraming mga netizen ang nabahala at hindi napigilang mag-alala para sa kaligtasan ng lalaking ito. Ang nasabing larawan ay ibinahagi sa social media ng netizen na si Xylenejoy Siarot na umani din ng ilang negatibong komento sa ibang netizen dahil sa hindi man lamang niya ito dinala sa may otoridad na maaaring makatulong sa matanda at tila hinayaan na lamang ang kawawang matanda. Ang matandang lalaki na nasa larawan ay nakatira sa Barangay Tominobo, Baryo Tabay #2, Iligan City.


Nawa ay mayroong mga tao na tumulong sa kawawang matanda dahil talagang nakakaawa ang kaniyang kalagayan at nakakabahala ang lugar na kinatatayuan ng kanilang mumunting tahanan na animo’y isang kahon!



Reply

error: Content is protected !!