Maliit man ang bahay na ito ay talaga namang mamangha ka dahil sa pagpupursige ng may-ari na maipundar ito!



Talaga namang patok na patok ngayon sa publiko ang maliit na bahay ngunit talaga namang kakikitaan mo ng pagkamalikhain sa paraan nang pagkakatayo nito. Dahil sa hindi naman lahat ay makakayangmakapagpundar ng malalaking tahanan, ang pagkakaroon ng mga ganitong uri ng tirahan ay talaga namang nakapagpapamangha at nakapagpapabilib sa maraming mga Pilipino.


Sa ating bansa, sadyang mabigat sa bulsa ang pagbili ng lote ng lupa kasabay pa ng gastusin sa mga matersyales na gagamitin sa pagpapagawa ng tirahan. Bagong kasal man, magkasintahan, o single, tiyak na nangangarap magkaroon ng sariling bahay at lupa. Kaysa nga naman ikaw ay manirahan sa upahan o kaya naman ay habang buhay na lamang na makirita hindi ba?




Hindi na nga nakapagtatakang maraming mga Pilipino ang mapukaw ang atensyon sa “tiny house” na ito. Ayon sa nagbahagi ng mga larawang ito, maliit lamang ang kaniyang lupa kaya naman maliit lang din ang kaniyang pinagawang bahay. Kahit maliit ay maganda naman ito. Hindi rin naman daw mag-aasawa ang may-ari ng bahay kung kaya naman sapat na para sa kaniya ang tahanan niyang ito.


Ang nasabing bahay ay makitid lamang ngunit mayroon itong gate at lugar kung saan maaring maiparada ang isang motorsiklo. Mayroon ding ikalawang palapag ang nasabing tahanan. Ang nasabing post ay mayroon nang higit 1,700 na komento, at 2,800 na mga reaksyon mula nang ito ay i-post.



Marami ding mga netizen ang nagsabing napakahusay nang nakaisip ng ideya na ito. Malaking bagay na ang pagkakaroon ng maliit at sarili mong tahanan kaysa sa lumipas ang maraming taon na hindi ka pa nakakapagpundar kahit lupa sa paso, biro nga ng iilan. Talaga namang wala nang makakapagdahilan na mahirap magpundar ng bahay at lupa. Kung siya nga nakaya niya, tayo pa kaya?