Vice Ganda at Kuya Escort Ion Perez, umamin na tungkol sa kanilang tunay na relasyon!



Kamakailan lamang ay naging maugong ang pangalan nina Vice Ganda at Ion Perez dahil sa mga larawang kumakalat sa social media kung saan ito ay kuha sa programa ng sikat na komedyante na “Gandang Gabi Vice”. Diumano ay umamin na ang binata sa totoo nilang relasyon ni Vice Ganda.



Makikita sa mga larawan na kasama nila sa stage ang ABS-CBN executive na si Charo Santos-Concio at batikang aktres na si Bea Alonzo upang mag-promote ng kanilang pelikulang “Eerie”, kasama din nila si “Ate Girl Jackque” at sina Vice at Ion ay makikita ding magkayakap. Mayroon din namang mga netizen na nakasaksi ng totoong nangyari sa set at nagbahagi ng kanilang nasaksihan.


Ayon pa sa mga post online, sina Kuya Escort at Ate Girl ay nakasuot ng damit na pang-madre kung saan ay tatakutin dapat nila si Vice. Matapos ang nasabing prank ay agad na nagtanong si Bea tungkol sa tunay niyang relasyon kay Vice at bigla din namang nag-follow si Charo. Nagalak naman ang lahat ng live audience sa sagot ng aktor na talaga namang paka-aabangan ng mga Pilipino sa “Gandang Gabi Vice”.


Si Ion Perez na kilala din bilang si Benigno Perez sa totoong buhay ay mula sa Concepcion, Tarlac. Nagwagi siya ng mga titulong “Misters of Filipino in 2017” at “Mister Universe Tourism in 2018”. Siya ay mas nakilala pa bilang “Kuya Escort” nang siya ay maitampok sa Miss Q and ng It’s Showtime.


Kamakailan lamang ay nakita ang dalawa na magkasama sa isang event at ang kanilang “intimate moment” ay nakuhanan din ng camera. Maraming mga fans, supporters at netizens ang talaga namang natuwa sa napakagandang balita at sa wakas ay natagpuan na ni Vice ang kaniyang kaligayahan.






error: Content is protected !!