Categories: Viral

Isang poging konduktor ang nakuhanan ng mga litrato ng isang pasaherong babae!

Nasubukan niyo na bang sumakay ng bus na sobrang siksikan? Iyong tipo bang para kayong sardinas. Ang nakaka-inis pa ay mas lalong nagiging mahirap ang mala-sardinas na eksena kung maniningil na ng pamasahe ang konduktor ng bus!


Pero paano naman kapag ang makiki-siksik na konduktor ay gwapong lalaki? Marahil ay matutuwa pa ang mga kababaihan kapag nakisiksik na ang konduktor na ito. Katulad na lamang ng isang pasahero na nagngangalang KC Dauden na kinuhanan niya ng litrato ang isang kondukor ng bus. Sa kanyang pagkuha ng litrato mapapansin na artistahin ang datingan ng konduktor. Ang konduktor na ito ay nagngangalang “Reynaldo Pichay”.


Ibinahagi sa isang facebook page na “Stories and Secrets PH.” ang mga larawan ng nasabing konduktor na may caption na:

“Sakay ng bus, pauwi ng bahay. Na-sight ko si koya, biglang pumintig ang aking placenta.

ME: “Kyah, bayad po…isa, single.” (Inabot ko ang 1k)

KONDUKTOR: “Saan ho ‘to?”

ME: “Ibaba niyo na lang po ako sa bahay niyo. SA BAHAY NIYO, KYAH! Naglayas po kasi ako sa’min. PARANG AWA NIYO NA PO, KYAH! Sa’yo na po ‘yung sukli. SA’YO NA PO AKO! Kyaaaaaaaaah…”


Pero ang caption naman ay itinanggi ng kumuha ng litrato na si KC Dauden. Ito ang sinabi niya:

“Reynaldo Pichay kyaaah!!
Edited: Hndi po saken galing ung napaka harot na caption ng page na to. Yung Pix lng po ung saken at wala kong intensyon na ganun icpin nung kung cno man gumawa ng caption n yan!

May mga pagkakataon na humahanga tayo sa mga taong nakikita natin. Pero kahit itsura ang madalas nating nakikita, hindi natin napapansin ang tunay na kagandahan at kagwapuhan ay hindi lamang sa panlabas na anyo. Ang pagkasikat ni Reynaldo Pichay sa Social media ay naging positibo para sa mga trabahado katulad ng pagiging konduktor. Ngunit mayroon ding ibang bumatikos ng kanyang itsura na hindi naman daw talaga kasi gwapo. Kapag humarap na daw kasi ang lalaki mapapansin na saktuhan lang ang itsura.


Ito ang ilan sa mga komento ng mga netizens sa poging konduktor:

“Masarap mag-commute kapag ganito ang makikita mo. Okay lang kahit traffic. Much better kung siksikan at walang maupuan hahaha.”

“Kung ganito naman kagwapong konduktor, aba, pabalik–balik akong sasakay sa bus maghapon. Akyat–baba ako sa bus, doblehin ko pa pamasahe ko, may keep the change pa!”

“Ang gwapo naman. Parang magbubus na ako lagi? Hahaha.”

“He’s handsome alright, but his girlfriend is one heck of a gorgeous woman, they’re good looking couple, I hope his new found fame doesn’t ruin their relationship in a long run.”

“Hindi naman sa nang aano ha, what is the big deal kung gwapo??? May standard ba sa trabaho na kapag konduktor o kaya tindero, o kaya karpintero etc. dapat ba pangit o di kagwapuhan??? Porque bihira tayo makakita ng ganyan, gagawin na nating celebrity, baka makagulo lang tayo sa kanila o ano ehhh…hahahaha skl


“Kilig na kilig ‘pag gwapo, ‘pag pangit akala mo kriminal sa pagpost, kesyo nagchat daw sa kanya (alam n’yo na ‘yun).”

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago