Maraming mga guro ang kinakailangan ngayon sa bansang Thailand! Alamin kung paano makakatulong ang gobyerno sa programang ito!

Isang oportunidad na makapagtrabaho sa ibang bansa ang nilikha para sa maraming mga Pilipinong guro ngayon na nagnanais magturo ng Ingles sa Kingdom of Thailand na pinamagatang “English For All” na naglalayong mas makatulong sa maraming mga estudyante na maging bihasa sa pagsasalita ng lenggwaheng Ingles.


Ayon din sa Secretary to the Minister of Education in Thailand M. L. Pariyada Diskul sinasabing ang mga gurong Pilipino ay rekomendado ng marami at talaga namang sinisikap nilang tumangga ng marami pang mga gurong Pilipino hanggang sa kasalukuyan. Dagdag pa niya, “Your teachers are very diligent and blend in well with our culture. “We want to recruit Filipino teachers to be placed in the Eastern Economic Corridor (EEC) government schools, which are the three provinces in the eastern side of Bangkok to upgrade the English competencies of the
children in that area. I hope this will be the beginning of many other projects to come.”


Kung kaya naman pinasimulan na niya ang inter-agency meeting sa pagitan ng kanilang opisina at Department of Education (DepEd Philippines) upang matalakay ang Memorandum of Understanding (MOU) ng government to government hiring ng mga Pilipinong guro.


Paglilinaw din ng PH Education Secretary na si Leonor Briones, hindi ito ang unang beses na magpapadala ang gobyerno ng Pilipinas ng mga guro sa nasabing bansa, sa katunayan nga ay mayroon nang mga Pilipinong guro doon na noong una ay bibisita lamang sana sa Thailand ngunit kalaunan ay nagkaroon na rin ng magandang oportunidad upang makapagturo at makapagtrabaho sa ibang bansa. Tiniyak din niyang sa tulong ng gobyerno ay maiiwasan ang mga hindi kanais-nais na naidudulot ng illegal recruitment kung kaya naman walang dapat ikabahala ang marami nating mga kababayan na nagnanais na subukan ang pribilehiyo at pagkakataong ito.



Reply

error: Content is protected !!