Mga namayapang komedyante, muling binibigyang-buhay ang kanilang mga pamana sa larangan ng pagpapatawa ng isang artista, ikinagalak ng publiko!

Hindi natin maipagkakaila na bilang mga Pilipino ay naging malaking bahagi na ng ating kabataan ang mga pagpapatawa ng mga batikang Pilipinong komedyante. Kung kaya naman ikinatuwa ng marami ang ginawan ito ng isang artist na nga comic strip kung saan tampok ang mga batikang komedyanteng namayapa na.


Siya ay nakilala bilang si Alan Czar Santos, pinamagatan niyang “The Comedians Reborn” ang kaniyang Comic Book, at ibinabahagi nga niya sa kaniyang social media account ang mga likha niya na nakapagdudulot ng ligaya sa maraming mga netizens.


Talaga namang marami ang nagalak at nasabik sa comic book na ito. Lalo’t higit ang mga mahal sa buhay ng mga namayapang komedyante. Nakakatuwang malaman na sa henerasyon natin ngayon at sa lawak na ng naabot ng social media at internet ay nabibigyan pa rin ng pansin at oras ang mga taong minsan nang nagpahalakhak sa maraming mga Pilipino at nagbigay saya at inspirasyon sa nakararami.


Ayon pa sa kaniya, “This comic/work is to honor and to give tribute those talented, astonishingly funny, and brilliant late comedians who made us laugh; who we grew up watching over and over again,” ito ang kaniyang mga kataga sa unang Volume ng kaniyang obra-maestrang “The Comedians Reborn”.

“They brought us so much laughter, joy, and made such a big impact to our childhood lives. Their jokes will always be missed and NOW THEIR LEGACY CONTINUES,” dagdag pa ni Alan.

Ang nasabing mga larawan ay umani na ng higit sa 44,000 na reactions at higit sa 55,000 na shares. Ang aktor na si John Prats ay nagkomento rin patungkol dito at sinasabing “Sobrang saya ngayon sa langit.”


Ilan sa mga tampok na batikang komedyante sa nasabing comics ay sina Dolphy (The Comedy King), Babalu, Panchito, Rene Requiestas, Redford White, Zorayda Sanchez, Miss Tapia, Ungga, Bentong at Chokoleit.



Reply

error: Content is protected !!