Pagkakasalansan ng hollow block ng isang bagong gawang bahay, inulan ng mga batikos!

Sa pagtatayo ng mga bahay, gusali o iba pang mga establisyemento laging isinasaalang-alang ang tibay at kalidad ng materyales na gagamitin. Kung mas matibay na mga materyales ang gagamitin ay mas magiging ligtas ang mga taong gagamit ng nasabing establisyemento o tahanan sa kahit anumang sakuna o kalamidad.


Ngunit kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang hindi pangkaraniwang pagkakasalansan sa mga “hollow block” na ginamit sa paggawa ng bahay na ito. Talaga namang naging mitsa ito ng debate at diskusyon sa social media.

Nakasanayan na ng marami sa atin ang salit-salitang paglalagay ng mga “hollow block” upang mas maging matibay ang tahanang kanilang itinatayo. Ang tahanang ito sa Largo, Quezon City ay talaga namang mayroong kakaibang pagkakasalansan ng mga “hollow block” na nakapukaw sa atensyon ng maraming mga netizen kung saan ang mga nasabing “hollow block” ay nakasalansan sa taas ng bawat isa at hindi salit-salitan. Ayon pa sa ilang mga netizen ay sadyang delikado ang pagkakalagay ng mga ito dahil sa maaaring gumuho ang nasabing bahay kung sakaling magkaroon ng matinding kalamidad o kaya naman ay lindol.

Ang ilan naman sa mga netizen ay nagkomento na tulad lamang ang pagsasalansan na ito ng “stock bond design” ng mga tahanan sa Japan, Saudi Arabia, at America. Bagamat hindi naman ganoon ka-kakaiba ang disenyo ng pagkakasalansan na ito ng mga “hollow block” ay hindi pa rin maiiwasan ng ilan na mag-alala sa seguridad ng mga taong maninirahan sa nasabing bahay. Alam naman natin na ang ating mga tahanan ang isa sa pinakaligtas na lugar na ating pinatutunguhan sa araw-araw.



Reply

error: Content is protected !!