Ito ang magandang mansyon ni Jack Chan na nagkakahalagang mahigit 600M Pesos

Isa sa pinaka-sikat na aktor sa Asia ay ang Hollywood aktor na si Jacky Chan. Dahil sa galing niya sa Martial arts at pag-arte talagang tinangkilik ang mga palabas niya ng buong mundo.


Bukod pa rito, alam niyo bang siya din ang gumagawa ng lahat ng stunts at hindi siya kumumuha ng stunt man para humalili sa kanya. Sa ganitong ginawa niya ay lalong hinangaan siya ng maraming tao. Hindi biro ang mga ginagawa niyang stunts kaya naman kapag may bagong palabas si Jacky Chan ay maraming nanunuod.


Kung maraming nabilib sa mga aksyon moves ni Jacky Chan, mabibilib din kayo sa napundar na mansyon ng aktor. Ginawa ang bahay na ito na may estilong French Villa noong 1986 at nabili ni Jacky Chan noong 1998. Ang bahay na ito ay matatagpuan sa 1700 block, Green Acres Drive, Beverly Hills. Mayroong laki na 7,638-square-foot ang bahay na ito.


Ang mga bahay sa Beverly Hills ay talagang mamahalin at karaniwang nakaka-bili dito ay mga mayayaman lamang.


Nagkaka-halagang $12.25 million o mahigit sa 600 milyon pesos ang nasabing property ni Jacky Chan sa Beverly Hills. . Mayroong 30,000 square feet ang lupain nito at mayroong 7,600 na living space.

Bago ka makapasok sa mansyon ay dadaan ka muna sa two-storey na gate. Sa pag pasok ay makikita ang circular motor court na sa gitna ay may fountain. Ang kusina ay mayroong rotunda nook. Mayroong anim na kwarto at 5.5 na mga bathrooms. Mayroon ding cabana na may built-in barbeque. Ang maganda pa sa lugar ay may swimming pool na may spa at mayroong waterfall na disenyo.


Ang napundar ni Jacky Chan ay isang gantimpala para sa kanya, sa pagkakaroon niya ng di-matatawarang talento. Para sa mga taong maraming pera, isa talaga sa pinaka-magandang paglaanan ng pera ay pang invest sa mga real estate properties. Katulad ng ginawa ni Jacky Chan.



Reply

error: Content is protected !!