Ito ang pagsakay ni Jhong Hilario sa MRT ng sinabi niya na “Struggle is real”

Sa araw-araw na buhay, ang matinding trapik ang isa sa pinaka-pahirap sa ating lahat. Kaya maraming nale-late sa mga trabaho, paaralan, at sa mga lugar na pinupuntahan dahil sa walang humpay na trapik na nadadaanan.


Ang pera ay kayang kitain pero ang nasasayang na oras ay hindi na mababalik. Ito ang nagagawa ng trapik sa atin, nawawala ang oras na sana ay mas naging produktibo tayo. Pero wala na tayong magagawa at kailangan na lamang tanggapin ang trapik na kasama na talaga sa buhay. Ang magagawa na lamang ay paghandaan at humanap ng mga alternatibong mga daanan upang mapabilis.


Isa sa mainam sanang sakyan kapag trapik ay ang tren katulad ng MRT/LRT. Para sa mga hindi pa nakaka-sakay ng mga ganitong tren, ang pagsakay dito ay hindi biro. Para kang susugod ng gera sa pagsakay dito. Mula sa pagpila papasok pa lamang sa station ay talagang napakahaba na. At lalo na kapag dumating na ang tren na sasakyan, kailangan ay matibay ang pangangatawan dahil talagang siksikan at bungguan. Pero ang iba ay wala na talagang magawa dahil sa kagustuhang makarating sa destinasyon nila. Tinitiis na lamang imbis na sagupain ang trapiko sa daan.


Katulad na lamang ng isang aktor, dancer, at TV Host na si Jhong Hilario na mas pinili niyang sumakay ng MRT imbis na sumakay sa sasakyan. Sa kagustuhang mapabilis ang biyahe, mas lalo pa daw tumagal ayon sa kanya. Sa kanyang post sa Instagram na may caption na “Struggle is real” ipinakita na talagang nahirapan siya sa pagsakay ng MRT.


Si Jhong Hilario naman ay nakarating sa set ng Showtime kaso siya ay naasar ng mga katrabaho dahil nauna pa daw dumating ang sasakyan niya kaysa sa kanya.


Kaya para sa mga taong nagko-komyut, dapat ay talagang masanay. Mas mabuting huwag pairalin ang pagiging mainit ang ulo at tanggapin na lamang kapag talagang malala ang trapiko nararanasan. Ang magandang gawin ay agahan na lang ang pag-alis, mas mainam na ang sobrang aga kaysa sa sobrang late dumating.



Reply

error: Content is protected !!