Ito pala ang dating buhay at itsura ni Yen Santos!

Si Yen Santos o kilala din bilang Lilieyen Leonardo Santos sa totoong buhay ay 26 na taong gulang na aktres na mula sa reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother na pinamagatang Pinoy Big Brother: Teen Clash noong 2010. Ngunit napalabas at na-evict din siya ng ika-43 na araw. Siya ay mula sa Cabanatuan, Nueva Ecija.


Tunay ngang ngayon ay malayo na ang kaniyang narating. Nauna siyang gumanap sa programang Pure Love na isang adaptation ng isang Korean drama kung saan nakasama niya ang mga artistang sina Joseph Marco, Matt Evans, Arjo Atayde, at Alex Gonzaga. Sa programang ito ay talaga namang pinatunayan niyang karapat-dapat siyang hangaan at bigyan ng mas maraming proyekto.

Matapos ng kaniyang mahusay na pagganap dito ay nasundan pa ito ng palabas na “All of Me” kung saan nakasama niya sina JM de Guzman at Albert Martinez. Inamin din ng aktres sa isa sa kaniyang mga panayam na hindi siya maging masyadong komportable sa pagkakaroon nila ng love scene ng batikang aktor na si Albert Martinez.


Nakatambal na din naman niya ang pinapangarap ng lahat ng mga babaeng artista na kung tawagin ay Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual sa kanilang pelikulang “Northern Lights: A Journey to Love” na kinunan pa sa mga bansang Alaska at New Zealand na naipalabas noong 2017.


Talaga namang kamangha-mangha ang narating na ito ng isang dating mahinhin na PBB housemate, ngayon ay humihilera na din sa iba pang mga mahuhusay at batikang artista. Hindi na nakapagtatakang mas marami na ang kaniyang mga tagahanga at tagasuporta sa ngayon kaysa dati.



Reply

error: Content is protected !!