Naaalala nyo pa ba ang panganay na anak nina Bong Revilla at Lani Mercado? Ito na pala ang buhay niya ngayon!

Sadyang mahirap nga ang makapasok sa mundo ng show business. Hindi ganoon kadali ang mga pagsubok na iyong pagdaraanan sa pag-abot ng pangarap na iyong minimithi ngunit mayroon din namang mga anak ng ilang artista na pinipiling pumasok sa industriyang kinabibilangan ng kanilang mga magulang at marami nga sa kanila ay nabibigyan ng ganitong mga oportunidad.


Isa na marahil ang anak ng mag-asawang artista na ngayon ay mga pulitiko na sina Bong Revilla, Jr. at Lani Revilla. Ang panganay nilang si Inah Revilla ay nakilala at sumikat noon dahil sa paglabas niya sa ilang mga pelikula ngunit hindi rin nagtagal ay tuluyan na niyang iniwan ang show business. Nang siya ay 18 taong gulang ay ikinasal siya sa negosyanteng si Vince del Rosario. Sinasabing nasa 2.5 milyong piso ang gastos na inabot ng kanilang kasal sa Manila Cathedral sa Intramuros noong May 28, 2008.


Siya noon ay limang buwan nang nagdadalang tao sa una nilang anak. Apat na buwan nga matapos ang kanilang kasal ay nagsilang siya ng isang malusog na sanggol na babaeng pinangalanan nilang Alexa Daniela. Ang ikalawang anak naman nila ay pinangalan nilang Inigo. Mahilig bumiyahe at magbakasyon ang buong pamilya na siya na ring paraan ng kanilang pagbabonding. Kung noon ay isang sikat na artista si Inah, ngayon naman ay isa na siyang responsable at mapagmahal na asawa at ina sa kaniyang pamilya.


Talaga namang wala nang hihigit pang kasikatan o karangyaan sa pagkakaroon ng isang kumpleto at masayang pamilya. Kailanman walang hihigit sa pagmamahal ng asawa at ng mga anak. Makikitang masayang masaya si Inah ngayon sa kaniyang buhay may-asawa.



Reply

error: Content is protected !!