Serena Dalrymple, dating child star sa Pinas ngayon ay isa nang propesyonal sa Amerika!

Sino ba naman ang hindi makakakilala sa batang bibo na nagpasikat sa mga katagang “Isa pa! Isa pang Chickenjoy!”. Siya ay naitampok na rin sa ilang mga pelikula tulad ng “Tong Tatlong Tatay Kong Pakitong-kitong!”, “Wansapanataym: The Movie”, “Daddy O! Baby O!”, at “Ang Tanging Ina”.


Taong 1990 nang siya ay ipanganak at 1997 naman nang siya ay magsimula ng kaniyang karera sa industriya ng show business. Siya ay nakilala dahil sa kaniyang husay at galing sa pag-arte. Nagkaroon din siya ng pagkakataong mabigyan ng ilang mga minor roles sa telebisyon at ng mga major roles kasama ang ilan sa mga batikang artista na sina Dolphy, Redford White, Babalu, Angelica Panganiban at Ai-Ai Delas Alas.


Taong 2004 naman ng tuluyan na niyang lisanin ang show business. Ito ay matapos niyang mapabilang sa pelikula na pinamagatang “Ang Tanging Ina”. Ipinagpatuloy ng dating child star ang kaniyang pag-aaral hanggang siya ay nakapagtapos ng kolehiyo taong 2010 sa De La Salle College of Saint Benilde aa Maynila sa kursong Business Administration. Matapos niyang makamit ang pinapangarap niyang diploma ay lumipad ito patungong ibang bansa upang makuha ng pensyon sa US embassy ng kaniyang ama na dating military officer.”


Bagamat inakala ng marami na hindi praktikal ang ginawa niyang pagtalikod sa show business ay pinatunayan naman niyang hindi siya nagkamali sa ginawa niyang desisyon dahil sa isa na siyang corporate professional sa New York dahil tatlong taon makalipas niyang makapagtapos ay kumuha siya ng graduate studies sa London. Taong 2014 nang siya ay makapagtapos sa Hult International Business School na may International Business Degree.


Siya ay nakapagtrabaho na rin sa Paramount Pictures sa Los Angeles bilang isang sourcing analyst. At siya nga ngayon ay isa nang manager sa Viacom, isa sa mga pangunahing global entertainment company sa New York.



Reply

error: Content is protected !!