Triplets, nakapag-tapos ng pag-aaral ng lahat ay may karangalan na Cum Laude

Isang kayamanan maituturing para sa mga magulang ang kanilang mga anak. Kaya todo pagsisikap ng mga magulang maibigay lamang ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak. Lahat ay kayang isakripisyo ng mga magulang, ganyan magmahal ang mga magulang.


Kaya naman ang tagumpay ng mga anak ay tagumpay din ng mga magulang. Kaya sa bawat pangyayaring maganda sa mga anak, ito ay ikinasasaya ng mga magulang. Katulad na lamang ng mga magulang na sina Sonny at Leliza Pagaran na may triplets na nakapag-tapos ng pag-aaral. Ang pangalan ng triplets ay marahil hango sa baraha. Ace, Jack, at King ang pangalan ng triplets na nakapag-tapos ng kolehiyo ng may karangalan.

Hindi naging madali sa triplets na ito ang makapag-tapos ng pag-aaral dahil sa kahirapan sa pera. Dahil ang pinagkaka-kitaan lamang ng mga magulang nila ay pagtatanim sa probinsya ng Isabela.


Si Ace, Jack, at King Pagaran ay nakapag-tapos ng kolehiyo sa kursong Bachelor of Science degree in agriculture sa Provincial Technical Institute of Agriculture on ISU’s Cabagan campus.

Noong una ay pangarap talaga ng magkakapatid na kumuha ng Criminology. Ngunit nahikayat sila ng kanilang Uncle Rexon Baldova na kumuha na lamang ng kursong agrikultura dahil mas marami daw mga magagandang oportunidad sa pagaaral nito at higit sa lahat ay libre ang tuition fee sa kursong ito.

Kahit na marami ng utang ang pamilya ng triplets, pinursige pa rin ng mga magulang ang kanilang mga anak na triplets upang makapag-tapos ng pagaaral. Kahit na sinasabihan na sila ng mga nakapaligid sa kanila na hindi nila kakayanin, sila ay nagtiwala at nalampasan ang pagsubok ng buhay.

Sinuklian naman ng triplets ang paghihirap ng kanilang magulang sa pagtapos ng kolehiyo na may karangalang “cum laude”. Hindi lamang sila matalino, sila ay mababait ding tao. Ito ay ayon sa mga kaklase ng triplets na sina Ali Salinas Simon at Cynthia Obispo na sinabi sa kanilang year book na ang tatlong magkakapatid ay madasalin.


Ito pa ang sinabi ni Ali Salinas Simon:
“I hope that we will all be successful and happy because we have been together with them.”

Dito pinatunayan na walang imposible sa mga taong nagpupursige. Kaya huwag mawalan ng pagasa,



Reply

error: Content is protected !!