Isang babaeng ginamit ang mga boteng plastik upang maka-gawa ng 300 na bahay para sa mahihirap



Laganap na ang polusyon sa kapaligiran. Isa sa mga problema ng mundo ay ang polusyon na gawa rin ng tao. Kaya naman tao rin ang may kakayahan na ayusin ito. Isa sa mga malaking problema sa basura ang mga plastik dahil hindi ito nabubulok. Kaya mas mainam kung gagawa ng paraan upang ma-solusyonan ito. Katulad na lang ng isang lawyer sa Bolivia na naisipan na maging isang Architect at Designer ng maisipan niyang gumawa ng bahay gamit ang mga panapon na plastik.


Si Ingrid Vaca Diez ang babaeng may busilak na puso na gumawa ng mga bahay na yari sa mga plastik na bote na nakatulong sa kanilang komunidad. Ito ay naisipan niya dahil sa paglaganap ng polusyon. Imbis na problemahin ang mga plastik, ginawang kapaki-pakinabang ang mga ito.




Ito ay nagsimula noong nagbiro ang kanyang asawa dahil marami daw silang mga plastik na bote at makaka-buo na ito ng isang bahay. Isa pa sa mga nagtulak sa kanya sa ganitong layunin, nang siya ay sinulatan ng isang estudyante patungkol sa hiling sa pasko na magkaroon sana ng maayos na bahay para sa kanyang pamilya. Ang estudyanteng ito ay mahirap lamang na nakatira sa hindi maayos na bahay.



Dito naging buo ang hangarin ni Diez na gamitin ang mga plastik na bote sa paggawa ng bahay. Kumolekta siya ng maraming mga patapong mga plastik na bote at nilamanan ang loob nito ng buhangin. Maging mga babasaging bote ay ginamit ginamit din niya.


Imbis na mga bloke ang ginagamit upang gumawa ng bahay, ang paraan ni Diez ay parehas lang din sa paglagay ng bloke pero ang gamit ay mga plastik na bote.


Sa isang 1,830 square feet na bahay, kailangan ng 36,000 na bote ng plastik upang magawa ito. Nakakatuwang nakatulong na siya sa komunidad naka-bawas pa ng basura sa paligid. Mahusay ka Ingrid Vaca Diez! Isa kang ihemplo sa pagiging malikhain at makalikasan!






error: Content is protected !!