Isang inspirasyon ang batang ito sa kaniyang mga kamag-aral dahil sa pagbebenta niya ng kape upang kumita ng pera!



Sadyang mahirap talaga ang buhay ngayon kung tutuusin. Ngunit magagawa mo pa ring mabaliktad at mabago ang sitwasyon depende sa iyong mga pananaw sa buhay.



Si Aldreen Pelobello Siplon ay nagbahagi ng ilang larawan ng kaniyang kamag-aral na nagbebenta ng kape para lamang kumita ng salapi at ito ay ginagamit niya upang mayroon siyang pangtustos sa kaniyang pag-aaral. Tunay ngang natutulungan niya din ang kaniyang mga kamag-aral na nangangailangan ng kape upang magising at kahit papano ay malamnan ang kanilang sikmura bago magsimula ang kanilang klase.


Sa ibinahaging mga larawan ni Siplon ay tinag niya ang kaniyang kamag-aral na nakilala bilang si Gulapa Paolo. Bagamat hindi na nagdagdag pa ng ibang impormasyon si Siplon ay ibinahagi naman nito na sila ay nag-aaral sa San Francisco Highschool sa Quezon, City.


Ang batang lalaki sa larawan ay nagdadala ng isang “telmos” sa kanilang silid-aralan na puno ng mainit na tubig. Maging ang mga “styrofoam cup” at mga pakete ng kape, siya rin ang may dala. Simple man pero kahit papano ay kumikita pa rin ang binatilyo.



Bagamat hindi malinaw kung matagal na itong ginagawa ng binata o bago pa lamang ay tiyak na malaki ang nagagawang tulong nito hindi lamang sa kaniya kundi na rin sa kaniyang mga kaklase. Ikinatuwa naman ng maraming mga netizen ang galing at husay ng binatang ito lalo na sa pagiging madiskarte niya at hindi niya hinayaang makalampas ang ganitong pagkakataon upang makatulong kahit na kaunti sa kaniyang pamilya at para na rin mayroon siyang karagdagang panggastos sa eskwela.




error: Content is protected !!